Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pagbabagong-anyo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Isang makahimalang pangyayari na nasaksihan nina Pedro, Santiago, at Juan, kung saan ang “mukha [ni Jesus] ay suminag na gaya ng araw, at ang kaniyang mga panlabas na kasuutan ay nagningning na gaya ng liwanag.” (Mat 17:1-9; Mar 9:2-10; Luc 9:28-36) Sinabi ni Marcos na nang pagkakataong iyon, ang mga panlabas na kasuutan ni Jesus ay naging “lalong higit na maputi kaysa sa magagawang pagpapaputi ng sinumang tagapaglinis ng damit sa ibabaw ng lupa,” at iniulat naman ni Lucas na “nag-iba ang kaanyuan ng kaniyang mukha.” Ang pagbabagong-anyo ay naganap sa isang bundok ilang panahon pagkaraan ng Paskuwa ng 32 C.E. ngunit bago ang huling paglalakbay ni Jesus patungong Jerusalem.

      Bago maganap ang pagbabagong-anyo, si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay nasa rehiyon ng Cesarea Filipos, ang makabagong-panahong nayon ng Banyas. (Mar 8:27) Malayong mangyari na lumayo pa si Kristo at ang kaniyang mga apostol sa rehiyong iyon noong magtungo sila sa “napakataas na bundok.” (Mar 9:2) Mula pa noong mga ikaapat na siglo C.E., kinikilala na ang Bundok Tabor bilang ang lugar ng pagbabagong-anyo, ngunit yamang ito ay mga 70 km (40 mi) sa TTK  ng Cesarea Filipos, maliit ang tsansa na dito iyon naganap.—Tingnan ang TABOR Blg. 1.

      Samantala, ang Bundok Hermon ay mga 25 km (15 mi) lamang sa HS ng Cesarea Filipos. Ito ay may taas na 2,814 na m (9,232 piye) mula sa kapantayan ng dagat anupat “isang napakataas na bundok.” (Mat 17:1) Kaya naman maaaring ang pagbabagong-anyo ay naganap sa isang tagaytay ng Bundok Hermon. Ito ang pangmalas ng maraming makabagong iskolar, bagaman hindi pa rin matiyak ang eksaktong lokasyon dahil hindi ito binanggit ng Bibliya.

      Malamang na naganap sa gabi ang pagbabagong-anyo, sapagkat “nag-aagaw-tulog” noon ang mga apostol. (Luc 9:32) Mas magiging matingkad ang pangyayaring ito kung sa gabi magaganap, at talaga namang nagpalipas sila ng gabi sa bundok, sapagkat noong sumunod na araw pa sila bumaba. (Luc 9:37) Gayunman, hindi sinasabi ng Bibliya kung gaano katagal ang pagbabagong-anyo.

  • Pagbabagong-anyo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Bago umakyat sa bundok, tinanong ni Kristo ang lahat ng kaniyang tagasunod: “Sino ako ayon sa sinasabi ng mga tao?” Sumagot si Pedro: “Ikaw ang Kristo.” Sa gayon ay sinabi ni Jesus sa kanila na siya’y mamamatay at bubuhaying-muli (Mar 8:27-31), ngunit nangako rin siya na ang ilan sa kaniyang mga alagad ay ‘hindi makatitikim ng kamatayan’ hanggang sa makita muna nila “ang Anak ng tao na dumarating sa kaniyang kaharian,” o “ang kaharian ng Diyos na dumating na sa kapangyarihan.” (Mat 16:28; Mar 9:1) Natupad ang pangakong ito “pagkaraan ng anim na araw” (o ‘walo’ ayon kay Lucas, dahil lumilitaw na isinama niya ang araw nang bitiwan ang pangako at ang araw nang matupad iyon) noong sina Pedro, Santiago, at Juan ay sumama kay Jesus sa “isang napakataas na bundok” (Mat 17:1; Mar 9:2; Luc 9:28) kung saan nagbagong-anyo si Jesus sa harap nila habang nananalangin siya.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share