Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Magbigay-Pansin sa Makahulang Salita ng Diyos
    Ang Bantayan—2000 | Abril 1
    • 5. Sa iyong sariling pananalita, paano mo ilalarawan ang pagbabagong-anyo?

      5 Ang pagbabagong-anyo ay isang makahulang pangyayari. Sabi ni Jesus: “Ang Anak ng tao ay itinalagang dumating na nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama kasama ng kaniyang mga anghel . . . Katotohanang sinasabi ko sa inyo na may ilan sa mga nakatayo rito na hindi na makatitikim pa ng kamatayan hanggang sa makita muna nila ang Anak ng tao na dumarating sa kaniyang kaharian.” (Mateo 16:27, 28) Nakita ba mismo ng ilang apostol ang pagdating ni Jesus sa kaniyang Kaharian? Sinasabi sa Mateo 17:1-7: “Pagkaraan ng anim na araw ay isinama ni Jesus si Pedro at si Santiago at si Juan na kaniyang kapatid at dinala sila sa isang matayog na bundok nang sila lamang. At siya ay nagbagong-anyo sa harap nila.” Isa nga itong kagila-gilalas na pangyayari! “Ang kaniyang mukha ay sumikat gaya ng araw, at ang kaniyang mga panlabas na kasuutan ay naging maningning na gaya ng liwanag. At, narito! nagpakita sa kanila sina Moises at Elias, na nakikipag-usap sa kaniya.” Gayundin, “isang maliwanag na ulap ang lumilim sa kanila,” at narinig nila ang mismong tinig ng Diyos na nagsasabi: “ ‘Ito ang aking Anak, ang iniibig, na aking sinang-ayunan; makinig kayo sa kaniya.’ Sa pagkarinig nito ay isinubsob ng mga alagad ang kanilang mga mukha at lubhang natakot. Nang magkagayon ay lumapit si Jesus at, paghipo sa kanila, ay nagsabi: ‘Tumayo kayo at huwag matakot.’ ”

  • Magbigay-Pansin sa Makahulang Salita ng Diyos
    Ang Bantayan—2000 | Abril 1
    • 7. Paano natin nalalaman na malinaw pa ring nagugunita ni Pedro ang pagbabagong-anyo?

      7 Ang pagbabagong-anyo ay tumulong upang mapalakas ang pananampalataya ng tatlong apostol na gaganap ng pangunahing papel sa kongregasyong Kristiyano. Ang nagniningning na mukha ni Kristo, ang kaniyang kumikinang na kasuutan, at ang tinig mismo ng Diyos na nagpapahayag na si Jesus ang Kaniyang iniibig na Anak na siyang dapat nilang pakinggan​—lahat ng ito’y buong-bisang gumanap ng layunin. Subalit walang dapat pagsabihan ang mga apostol hinggil sa pangitain hanggang sa buhaying-muli si Jesus. Makalipas ang mga 32 taon, malinaw pa rin sa isip ni Pedro ang pangitaing ito. Sa pagtukoy rito at sa kahulugan nito, sumulat siya: “Hindi, hindi sa pagsunod sa mga kuwentong di-totoo na may-katusuhang kinatha na ipinabatid namin sa inyo ang kapangyarihan at pagkanaririto ng ating Panginoong Jesu-Kristo, kundi sa pagiging mga saksing nakakita sa kaniyang karingalan. Sapagkat tumanggap siya ng karangalan at kaluwalhatian mula sa Diyos na Ama, nang ang mga salitang gaya ng mga ito ay ibinigay sa kaniya ng maringal na kaluwalhatian: ‘Ito ang aking anak, ang aking iniibig, na akin mismong sinang-ayunan.’ Oo, ang mga salitang ito ay narinig naming ibinigay mula sa langit habang kami ay kasama niya sa banal na bundok.”​—2 Pedro 1:16-18.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share