Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ano ang Hinihiling ni Jehova sa Atin Ngayon?
    Ang Bantayan—1999 | Setyembre 15
    • 3, 4. (a) Ano ang pangunahing hinihiling ni Jehova sa atin ngayon? (b) Bakit dapat nating sundan nang maingat ang mga yapak ni Jesus?

      3 Noong huling taon ng ministeryo ni Jesus, sinamahan siya ng kaniyang mga apostol na sina Pedro, Santiago, at Juan sa isang mataas na bundok, malamang na isang tagaytay ng Bundok Hermon. Doon ay nakita nila ang isang makahulang pangitain ni Jesus sa maringal na kaluwalhatian at narinig nila ang tinig ng Diyos mismo na nagpahayag: “Ito ang aking Anak, ang iniibig, na aking sinang-ayunan; makinig kayo sa kaniya.” (Mateo 17:1-5) Pangunahin na, iyan ang hinihiling ni Jehova sa atin​—ang makinig sa kaniyang Anak at sundin ang kaniyang halimbawa at mga turo. (Mateo 16:24) Kaya nga, sumulat si apostol Pedro: “Si Kristo ay nagdusa para sa inyo, na nag-iiwan ng huwaran sa inyo upang sundan ninyo nang maingat ang kaniyang mga yapak.”​—1 Pedro 2:21.

  • Ano ang Hinihiling ni Jehova sa Atin Ngayon?
    Ang Bantayan—1999 | Setyembre 15
    • 5. Nasa ilalim ng anong batas ang mga Kristiyano, at kailan nagkabisa ang batas na iyon?

      5 Ano ba ang kahulugan ng pakikinig kay Jesus at pagtulad sa kaniya? Nangangahulugan ba ito ng pagiging nasa ilalim ng isang batas? Sumulat si Pablo: “Ako mismo ay wala sa ilalim ng batas.” Tinutukoy niya rito ang “matandang tipan,” ang tipang Batas na ginawa sa Israel. Inamin nga ni Pablo na siya ay “nasa ilalim ng batas kay Kristo.” (1 Corinto 9:20, 21; 2 Corinto 3:14) Nang magwakas ang matandang tipang Batas, isang “bagong tipan” ang nagkabisa kalakip ang “batas ng Kristo” na obligadong sundin ng lahat ng lingkod ni Jehova sa ngayon.​—Lucas 22:20; Galacia 6:2; Hebreo 8:7-13.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share