Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Pananampalataya ay Makapagpapalipat ng mga Bundok!
    Ang Bantayan—1987 | Hulyo 15
    • Ipinaliwanag ni Jesus kung bakit, at ang sabi: “Dahilan sa kakauntian ng inyong pananampalataya.” Pagkatapos ay sinabi pa niya: “Kung mayroon kayong pananampalataya na kasinlaki ng butil ng mustasa, sasabihin ninyo sa bundok na ito, ‘Lumipat ka mula rito hanggang doon,’ at ito’y lilipat, at walang magiging imposible para sa inyo.”​—Mateo 17:14-20.

  • Ang Pananampalataya ay Makapagpapalipat ng mga Bundok!
    Ang Bantayan—1987 | Hulyo 15
    • Ang Pananampalataya ay Makapagpapalipat ng mga Bundok!

      Datapuwat, baka itanong ninuman, ‘Ang ibig bang sabihin ni Jesus ay na literal na makapagpapalipat ng mga bundok ang gayong pananampalataya?’ Baka nga isinali iyan dito ni Jesus, subalit malimit na ang ginagamit niya’y mga ilustrasyon. (Mateo 13:34) Kaya marahil ay nasa isip niya yaong mga hadlang na maaaring magsilbing mga bundok sa nananampalataya. Ang totoo, ang salitang “bundok” ay malimit na ginagamit na ang kahulugan ay isang malaking kantidad, tulad baga ng “isang bundok ng mga utang.” Pinatutunayan ng maraming mga karanasan sa ngayon na ang tunay na pananampalataya ay makapagpapalipat o makapag-aalis ng tulad-bundok na mga hadlang.

      Halimbawa, hindi ba sasang-ayon ka na ang pagiging paralisado mula leeg pababa ay isang bundok? Gayunman, isang lumpo na taga-Vancouver, B.C., Canada, ang hindi lamang natutong magpinta sa pamamagitan ng isang brush o isang paleta na tangan sa kaniyang bibig, kundi sinusuportahan din naman niya ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagbibenta ng kaniyang ipinintang mga larawan. At, pinakikilos siya ng kaniyang pananampalataya upang magsalita sa iba tungkol sa kaniyang natutuhan sa Bibliya, samantalang siya’y nasa kaniyang silyang de-gulong o sa pamamagitan ng mga liham. Kaniyang minamakinilya ang kaniyang mga liham sa tulong ng isang kapirasong patpat na tangan niya sa kaniyang bibig. Siya’y regular na dumadalo rin sa mga pulong Kristiyano at nagpapahayag sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro na pinangangasiwaan ng mga Saksi ni Jehova. Ang kaniyang ulirang pananampalataya, lakip na ang kasipagan at determinasyon, ay nagpapatibay-loob sa mga taong nasa paligid niya.

      Ang pananampalataya sa Salita ng Diyos at sa kaniyang mga pangako ay nakatulong din sa iba. Halimbawa, tinulungan nito ang marami na madaig ang di-maka-Kristiyanong mga ugali at kustumbre, tulad baga ng alanganing mga kinaugalian na sa negosyo, pagnanakaw, paninigarilyo, pagsusugal, paglalasing, espiritismo, imoralidad sa sekso, at mga kinaugalian sa huwad na relihiyon. Ang pangkalahatang salik sa ganiyang mga karanasan ay ang pagkuha ng kapani-paniwalang ebidensiya na ang Diyos na Jehova ay umiiral, na ang Bibliya ay kaniyang nasusulat na Salita, at na ang kaniyang mga pangako na nasusulat sa Kasulatan ay mapagkakatiwalaan at matutupad. Ang gayong pananampalataya ay maaaring magpalipat sa mga bundok.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share