Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Wala Pang Sinuman ang Nakapagsalita Nang Tulad Niya”
    Halika Maging Tagasunod Kita
    • 9 Minsan, tinanong ng mga maniningil ng buwis si Pedro kung nagbabayad si Jesus ng buwis sa templo.c “Oo,” ang sagot agad ni Pedro. Pero tinulungan ni Jesus si Pedro na pag-isipan ang sagot niya: “Ano sa palagay mo, Simon? Mula kanino tumatanggap ng buwis ang mga hari sa lupa? Mula sa mga anak nila o sa ibang tao?” Sumagot si Pedro: “Mula sa ibang tao.” Sinabi ni Jesus: “Kaya libre talaga sa buwis ang mga anak.” (Mateo 17:24-27) Dahil sa mga tanong na iyon, naintindihan ni Pedro na hindi kailangang magbayad ng buwis ang pamilya ng hari. Si Jehova ang Hari na sinasamba sa templo at si Jesus ang kaisa-isa niyang Anak, kaya hindi na kailangang magbayad ng buwis si Jesus. Imbes na sabihin lang ni Jesus ang tamang sagot kay Pedro, gumamit siya ng mga tanong para tulungan si Pedro na makuha ang aral at makita na dapat muna siyang mag-isip nang mabuti bago sumagot.

  • “Wala Pang Sinuman ang Nakapagsalita Nang Tulad Niya”
    Halika Maging Tagasunod Kita
    • c Obligado ang mga Judio na magbayad ng buwis sa templo taon-taon. Nagkakahalaga ito ng dalawang drakma, o mga dalawang araw na sahod. Ganito ang sinabi ng isang reperensiya: “Ginagamit ang buwis na ito para sa mga gastusin sa paghahandog na sinusunog araw-araw at sa lahat ng iba pang hain na ginagawa para sa mga tao.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share