Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Papaano Ninyo Nilulutas ang mga Di-Pagkakaunawaan?
    Ang Bantayan—1994 | Hulyo 15
    • Paglutas sa Malulubhang Di-Pagkakaunawaan

      “Isa pa, kung ang kapatid mo ay makagawa ng kasalanan, pumaroon ka at ihayag ang kaniyang pagkakamali na ikaw at siya lamang. Kung siya ay makinig sa iyo, natamo mo ang iyong kapatid. Subalit kung hindi siya makinig, magsama ka ng isa o dalawa pa, upang sa bibig ng dalawa o tatlong saksi ang bawat bagay ay maitatag. Kung hindi siya makinig sa kanila, sabihin mo sa kongregasyon. Kung hindi siya makinig kahit sa kongregasyon, siya ay maging gaya ng tao ng mga bansa at gaya ng maniningil ng buwis sa iyo.”​—Mateo 18:15-17.

      Ano kung ang isang Judio (o sa bandang huli, isang Kristiyano) ay mapaharap sa isang malubhang di-pagkakaunawaan sa isang kapuwa mananamba kay Jehova? Ang isang nag-aakalang siya ang pinagkasalahan ang kailangang kumuha ng unang hakbang. Ipakikipag-usap niya nang sarilinan ang mga bagay-bagay sa nagkasala. Sa pamamagitan ng hindi pagsisikap na makakuha ng susuporta sa kaniyang panig, tiyak na mas malamang na matamo niya ang kaniyang kapatid, lalo na kung nagkaroon lamang ng isang di-pagkakaunawaan na maaari namang agad linawin. Lahat ay magiging madaling lutasin kung yaong tuwirang mga kasangkot ang siya lamang nakababatid ng tungkol sa bagay na iyon.

  • Papaano Ninyo Nilulutas ang mga Di-Pagkakaunawaan?
    Ang Bantayan—1994 | Hulyo 15
    • Ang posibilidad na itiwalag ang di-nagsisising nagkasala ay nagpapakita na ang Mateo 18:15-17 ay hindi kumakapit sa maliliit na di-pagkakaunawaan. Ang tinutukoy ni Jesus ay ang malulubhang kasalanan, subalit ang mga uri na maaaring lutasin sa pagitan ng dalawa lamang tao na nasasangkot. Halimbawa, maaaring ang pagkakasala ay paninirang-puri, na malubhang nakaapekto sa reputasyon ng biktima. O iyon ay maaaring tungkol sa pananalapi, sapagkat ang sumunod na mga talata ay tungkol sa ilustrasyon ni Jesus ng aliping walang-awa na pinatawad sa isang malaking pagkakautang. (Mateo 18:23-35) Ang isang pagkakautang na hindi nabayaran sa panahong itinakda roon ay maaaring isa lamang mababaw na suliranin na dagling malulutas sa pagitan ng dalawang katao. Subalit iyon ay maaaring maging isang malubhang pagkakasala, samakatuwid nga, pagnanakaw, kung ang nangutang ay buong katigasang tumatangging magbayad ng inutang.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share