Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pagpapanatili sa Kapayapaan at Kalinisan ng Kongregasyon
    Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova
    • 14 Sinabi ni Jesus ang isang espesipikong paraan para malutas ang malulubhang problema na maaaring bumangon sa pagitan ng mga Kristiyano. Pansinin ang mga hakbang na binanggit niya: “Kung ang kapatid mo ay magkasala, [1] puntahan mo siya at sabihin mo ang pagkakamali niya nang kayong dalawa lang. Kung makinig siya sa iyo, natulungan mo ang kapatid mo na gawin ang tama. Pero kung hindi siya makinig, [2] magsama ka ng isa o dalawa pa, para sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi ay mapagtibay ang bawat bagay. Kung hindi siya makinig sa kanila, [3] sabihin mo sa kongregasyon. Kung hindi siya makinig kahit sa kongregasyon, ituring mo siyang gaya ng tao ng ibang bansa at gaya ng maniningil ng buwis.”​—Mat. 18:15-17.

  • Pagpapanatili sa Kapayapaan at Kalinisan ng Kongregasyon
    Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova
    • 18 Kung hindi mo matulungan ang iyong kapatid sa pamamagitan ng pagsasabi ng kaniyang pagkakamali nang “kayong dalawa lang,” puwede mo nang gawin ang sinabi ni Jesus, “magsama ka ng isa o dalawa pa,” at kausapin uli ang kapatid. Dapat na ang tunguhin din ng mga isasama mo ay ang tulungan ang kapatid. Mas mabuti kung ang isasama mo ay mga nakasaksi sa sinasabing pagkakasala, pero kung walang nakasaksi, maaari kang magsama ng isa o dalawa na magiging saksi sa inyong pag-uusap. Maaaring may karanasan na sila sa katulad na problema at puwede nilang matiyak kung talagang may pagkakamali. Ang mga elder na mahihilingan na maging saksi ay hindi kumakatawan sa kongregasyon dahil hindi naman ang lupon ng matatanda ang nag-atas sa kanila na gawin iyon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share