Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Maaari Mong Matamo ang Iyong Kapatid
    Ang Bantayan—1999 | Oktubre 15
    • Humingi ng Tulong sa mga Maygulang

      12, 13. (a) Anong pangalawang hakbang ang binalangkas ni Jesus sa pagharap sa mga pagkakamali? (b) Ano ang angkop na mga payo sa pagkakapit sa hakbang na ito?

      12 Matutuwa ka ba sakaling iwan ka na agad ng iba kung ikaw ay nakagawa ng malubhang pagkakamali? Malamang na hindi. Alinsunod dito, ipinakita ni Jesus na pagkatapos ng unang hakbang, hindi ka dapat sumuko sa pagsisikap na matamo ang iyong kapatid, upang mapanatili siyang kaisa mo at ng iba sa pagsamba sa Diyos sa paraang kalugud-lugod. Binalangkas ni Jesus ang pangalawang hakbang: “Kung hindi siya makinig, magsama ka ng isa o dalawa pa, upang sa bibig ng dalawa o tatlong saksi ang bawat bagay ay maitatag.”

      13 Sinabi niya na “magsama ka ng isa o dalawa pa.” Hindi niya sinabi na pagkagawa mo ng unang hakbang, malaya ka nang ipagsabi ang problema kahit kanino, kumontak ng isang naglalakbay na tagapangasiwa, o isulat sa mga kapatid ang tungkol sa problema. Gaano ka man kakumbinsido hinggil sa pagkakamali, hindi pa naman ito lubusang matatag. Hindi mo nanaising magkalat ng negatibong impormasyon na magiging isang paninirang puri sa iyong bahagi. (Kawikaan 16:28; 18:8) Kundi sinabi ni Jesus na magsama ka ng isa o dalawa pa. Bakit? At sino kaya ang mga ito?

      14. Sino kaya ang maaari nating isama sa pangalawang hakbang?

      14 Sinisikap mong matamo ang iyong kapatid sa pamamagitan ng pagkumbinsi sa kaniya na siya’y may nagawang pagkakasala at sa pamamagitan ng paghimok sa kaniya na magsisi upang makipagpayapaan sa iyo at sa Diyos. Sa layuning iyan, mas makabubuti kung ang “isa o dalawa” ay mga saksi sa nagawang pagkakamali. Marahil ay naroroon sila nang maganap iyon, o mayroon silang matibay na impormasyon tungkol sa ginawa (o sa hindi ginawa) may kinalaman sa negosyo. Kung walang ganitong mga saksi, ang isasama mo ay yaong makaranasan sa isyung pinagtatalunan at sa gayon ay maitatatag niya kung talaga ngang ang nangyari ay isang pagkakamali. Isa pa, kung kakailanganin, maaari silang maging saksi sa sinabi, anupat pinatutunayan ang mga pangyayaring iniharap at ang pagsisikap na ginawa. (Bilang 35:30; Deuteronomio 17:6) Kaya hindi lamang sila mga neutral na kasama o mga reperi; kundi, ang kanilang pagkanaroroon ay upang makatulong na matamo ninyo kapuwa ang inyong kapatid.

      15. Bakit maaaring makatulong ang Kristiyanong matatanda kung gagawin natin ang pangalawang hakbang?

      15 Huwag mong isipin na ang isasama mo ay dapat na mga lalaking matatanda sa kongregasyon. Gayunman, ang maygulang na matatandang lalaki ay makatutulong sa pamamagitan ng kanilang espirituwal na mga kuwalipikasyon. Ang matatandang ito ay “gaya ng taguang dako sa hangin at dakong kublihan sa bagyong maulan, gaya ng mga bukal ng tubig sa lupaing walang tubig, gaya ng lilim ng malaking bato sa lupaypay na lupain.” (Isaias 32:1, 2) Sila’y makaranasan sa pangangatuwiran at pagbabalik sa ayos ng mga kapatid. At may mabuting dahilan ang mga nagkakamali na magtiwala sa gayong “mga kaloob na mga tao.”c (Efeso 4:8, 11, 12) Ang pag-uusap hinggil sa bagay na iyon sa harap ng gayong maygulang na mga lalaki at pakikibahagi sa panalangin kasama nila ay nakalilikha ng panibagong kapaligiran at nalulutas ang sa akala’y hindi na kayang lutasin.​—Ihambing ang Santiago 5:14, 15.

  • Maaari Mong Matamo ang Iyong Kapatid
    Ang Bantayan—1999 | Oktubre 15
    • c Ganito ang sabi ng isang iskolar ng Bibliya: “Kung minsan ay mas pinakikinggan ng nagkamali ang dalawa o tatlo (lalo na kung ang mga ito’y karapat-dapat igalang) kaysa sa isa, lalo na kung ang isang iyon ay siyang kasamaan niya ng loob.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share