Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Papaano Ninyo Nilulutas ang mga Di-Pagkakaunawaan?
    Ang Bantayan—1994 | Hulyo 15
    • “Isa pa, kung ang kapatid mo ay makagawa ng kasalanan, pumaroon ka at ihayag ang kaniyang pagkakamali na ikaw at siya lamang. Kung siya ay makinig sa iyo, natamo mo ang iyong kapatid. Subalit kung hindi siya makinig, magsama ka ng isa o dalawa pa, upang sa bibig ng dalawa o tatlong saksi ang bawat bagay ay maitatag. Kung hindi siya makinig sa kanila, sabihin mo sa kongregasyon. Kung hindi siya makinig kahit sa kongregasyon, siya ay maging gaya ng tao ng mga bansa at gaya ng maniningil ng buwis sa iyo.”​—Mateo 18:15-17.

  • Papaano Ninyo Nilulutas ang mga Di-Pagkakaunawaan?
    Ang Bantayan—1994 | Hulyo 15
    • Gayunman, ang unang hakbang ay maaaring hindi pa sapat. Upang harapin ang ganiyang situwasyon, sinabi ni Jesus: “Magsama . . . ng isa o dalawa pa.” Ang mga ito ay maaaring tuwirang mga testigo. Marahil ay narinig nila ang isa sa mga indibiduwal na iyon ang nanira doon sa isa, o marahil yaong mga isinama ay naging mga testigo sa isang nasusulat na kasunduan na siyang pinagtatalunan ng dalawang panig. Sa kabilang dako, yaong mga isinama ay maaaring tumestigo kapag ang anumang salik, tulad ng nasusulat o bibigang mga patotoo, ay binubuo upang itatag ang dahilan ng suliranin. Dito na naman, ang pinakamaliit na bilang hangga’t maaari​—“isa o dalawa pa”​—ang dapat makaalam tungkol sa suliranin. Ito ang hahadlang sa mga bagay-bagay upang huwag lumala kung iyon ay isa lamang di-pagkakaunawaan.

      Anong mga motibo ang dapat na taglayin ng isang pinagkasalahan? Dapat bang hamakin niya ang kapuwa Kristiyano at naisin niyang pababain nito ang kaniyang sarili? Sa liwanag ng payo ni Jesus, ang mga Kristiyano ay hindi dapat na mabilis humatol sa kanilang mga kapatid. Kung kinikilala ng nagkasala ang kaniyang pagkakamali, humihingi ng paumanhin, at nagsisikap na ituwid ang mga bagay-bagay, ‘ang kaniyang kapatid ay natamo’ ng isang pinagkasalahan.​—Mateo 18:15.

  • Papaano Ninyo Nilulutas ang mga Di-Pagkakaunawaan?
    Ang Bantayan—1994 | Hulyo 15
    • Ang posibilidad na itiwalag ang di-nagsisising nagkasala ay nagpapakita na ang Mateo 18:15-17 ay hindi kumakapit sa maliliit na di-pagkakaunawaan. Ang tinutukoy ni Jesus ay ang malulubhang kasalanan, subalit ang mga uri na maaaring lutasin sa pagitan ng dalawa lamang tao na nasasangkot. Halimbawa, maaaring ang pagkakasala ay paninirang-puri, na malubhang nakaapekto sa reputasyon ng biktima. O iyon ay maaaring tungkol sa pananalapi, sapagkat ang sumunod na mga talata ay tungkol sa ilustrasyon ni Jesus ng aliping walang-awa na pinatawad sa isang malaking pagkakautang. (Mateo 18:23-35) Ang isang pagkakautang na hindi nabayaran sa panahong itinakda roon ay maaaring isa lamang mababaw na suliranin na dagling malulutas sa pagitan ng dalawang katao. Subalit iyon ay maaaring maging isang malubhang pagkakasala, samakatuwid nga, pagnanakaw, kung ang nangutang ay buong katigasang tumatangging magbayad ng inutang.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share