Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Patibayin ang Kongregasyon
    Ang Bantayan—2007 | Abril 15
    • 10. Ayon sa Mateo 18:15-17, paano lulutasin ang malulubhang problema?

      10 Ipinahiwatig ni Jesus na iiral ang gayong kaayusan. Alalahanin ang ulat sa Mateo 18:15-17, kung saan sinabi niya na sa pana-panahon ay maaaring bumangon ang mga di-pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang lingkod ng Diyos, halimbawa kapag nagkasala ang isa laban sa iba. Ang pinagkasalahan ay maaaring lumapit sa nagkasala sa kaniya at ‘ihayag ang pagkakamali nito’ nang silang dalawa lamang. Kung hindi malutas ng gayong hakbang ang problema, maaaring hilingang tumulong ang isa o dalawang iba pa na nakaaalam ng mga detalye ng usapin. Paano kung hindi pa rin malutas ang usapin? Sinabi ni Jesus: “Kung hindi siya makinig sa kanila, sabihin mo sa kongregasyon. Kung hindi siya makinig kahit sa kongregasyon, ituring mo siyang gaya ng tao ng mga bansa at gaya ng maniningil ng buwis.” Nang sabihin ito ni Jesus, ang mga Judio pa rin ang bumubuo sa “kongregasyon ng Diyos,” kaya ang kaniyang mga salita ay unang kumapit sa kanila.a Pero nang maitatag ang kongregasyong Kristiyano, sa kanila na kumakapit ang tagubilin ni Jesus. Isa pa itong pahiwatig na ang bayan ng Diyos ay oorganisahin bilang kongregasyon kung saan patitibayin at papatnubayan ang bawat Kristiyano.

      11. Ano ang papel ng mga elder sa paglutas ng mga problema?

      11 Angkop naman na ang matatandang lalaki, o mga tagapangasiwa, ang kakatawan sa lokal na kongregasyon sa pag-aasikaso o paglutas sa mga problema o paghawak sa mga kaso ng pagkakasala. Kasuwato ito ng mga kuwalipikasyon ng mga elder na binanggit sa Tito 1:9. Sabihin pa, hindi sakdal ang mga elder na ito, gaya ni Tito, na isinugo ni Pablo sa mga kongregasyon upang “maituwid . . . ang mga bagay na may depekto.” (Tito 1:4, 5) Sa ngayon, dapat na mapatunayan muna ng mga inirerekomendang elder ang kanilang pananampalataya at katapatan bago sila hirangin. Sa gayon, makapagtitiwala ang ibang mga miyembro ng kongregasyon sa patnubay at pangungunang inilalaan sa pamamagitan ng kaayusang ito.

  • Patibayin ang Kongregasyon
    Ang Bantayan—2007 | Abril 15
    • a Kinilala ng iskolar sa Bibliya na si Albert Barnes na ang tagubilin ni Jesus na ‘sabihin sa kongregasyon’ ay maaaring tumukoy sa “mga awtorisadong mag-imbestiga sa gayong mga kaso​—mga kinatawan ng simbahan, o mga kumikilos para sa kanila. Sa sinagogang Judio, may matatanda na nagsisilbing mga hukom at sa kanila inihaharap ang gayong mga kaso.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share