Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Papaano Ninyo Nilulutas ang mga Di-Pagkakaunawaan?
    Ang Bantayan—1994 | Hulyo 15
    • “Isa pa, kung ang kapatid mo ay makagawa ng kasalanan, pumaroon ka at ihayag ang kaniyang pagkakamali na ikaw at siya lamang. Kung siya ay makinig sa iyo, natamo mo ang iyong kapatid. Subalit kung hindi siya makinig, magsama ka ng isa o dalawa pa, upang sa bibig ng dalawa o tatlong saksi ang bawat bagay ay maitatag. Kung hindi siya makinig sa kanila, sabihin mo sa kongregasyon. Kung hindi siya makinig kahit sa kongregasyon, siya ay maging gaya ng tao ng mga bansa at gaya ng maniningil ng buwis sa iyo.”​—Mateo 18:15-17.

  • Papaano Ninyo Nilulutas ang mga Di-Pagkakaunawaan?
    Ang Bantayan—1994 | Hulyo 15
    • Kung ang bagay na iyon ay hindi malutas, ito ay kailangang dalhin sa kongregasyon. Noong una, ito’y tumutukoy sa matatanda sa mga Judio subalit nang malaunan, sa matatanda sa kongregasyong Kristiyano. Ang di-nagsisising nagkasala ay maaaring alisin sa kongregasyon. Iyan ang ibig sabihin ng ituring siyang “gaya ng tao ng mga bansa at gaya ng maniningil ng buwis,” mga taong nilalayuan ng mga Judio. Ang seryosong hakbang na ito ay hindi maaaring gawin nang isahan ng isang Kristiyano. Ang hinirang na matatanda, na kumakatawan sa kongregasyon, ang tanging awtorisado na gumawa ng gayong hakbang.​—Ihambing ang 1 Corinto 5:13.

      Ang posibilidad na itiwalag ang di-nagsisising nagkasala ay nagpapakita na ang Mateo 18:15-17 ay hindi kumakapit sa maliliit na di-pagkakaunawaan. Ang tinutukoy ni Jesus ay ang malulubhang kasalanan, subalit ang mga uri na maaaring lutasin sa pagitan ng dalawa lamang tao na nasasangkot. Halimbawa, maaaring ang pagkakasala ay paninirang-puri, na malubhang nakaapekto sa reputasyon ng biktima. O iyon ay maaaring tungkol sa pananalapi, sapagkat ang sumunod na mga talata ay tungkol sa ilustrasyon ni Jesus ng aliping walang-awa na pinatawad sa isang malaking pagkakautang. (Mateo 18:23-35) Ang isang pagkakautang na hindi nabayaran sa panahong itinakda roon ay maaaring isa lamang mababaw na suliranin na dagling malulutas sa pagitan ng dalawang katao. Subalit iyon ay maaaring maging isang malubhang pagkakasala, samakatuwid nga, pagnanakaw, kung ang nangutang ay buong katigasang tumatangging magbayad ng inutang.

      Ang ibang mga kasalanan ay hindi maaaring lutasin sa pamamagitan ng dalawang Kristiyano lamang. Sa ilalim ng Batas Mosaiko, ang malulubhang kasalanan ay kailangang ipagbigay-alam. (Levitico 5:1; Kawikaan 29:24) Gayundin, ang malalaking kasalanan na nagsasangkot sa kalinisan ng kongregasyon ay kailangang ipagbigay-alam sa Kristiyanong matatanda.

      Gayunman, karamihan ng kaso ng alitan sa pagitan ng mga Kristiyano ay hindi dumaraan sa ganitong paraan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share