Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Anong Masama sa Poligamya?
    Gumising!—1991 | Mayo 8
    • Para sa pag-aasawang Kristiyano, isinauli ni Jesus ang orihinal na pamantayan ng Diyos​—monogamya. (Mateo 19:4, 5) Isa pa, ipinakita niya na ang mga mag-asawa ay dapat ngayong manghawakan sa pamantayang ito ng Diyos. Gaya ng sabi niya: “Kaya nga hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Samakatuwid, ang pinagsama nga ng Diyos ay huwag papaghiwalayin ng tao.” (Mateo 19:6) Kaya, dapat ingatan ng isang Kristiyanong may-asawa ang pagsasama ng “isang laman” na umiiral sa pagitan niya at ng kaniyang legal na asawa.b Ang seksuwal na pakikipagtalik sa ikatlong tao ay lumalapastangan sa kaayusang iyon ng Diyos. Ang gayong pagkilos ay ipinagbabawal sa kongregasyong Kristiyano.​—1 Corinto 5:11; 6:9, 16, 18; Hebreo 13:4.

  • Anong Masama sa Poligamya?
    Gumising!—1991 | Mayo 8
    • b Binabanggit ng The New International Dictionary of New Testament Theology na ang Griegong ekspresyong isinaling “isang laman” sa Mateo 19:5b ay may pantanging kahulugan na gaya ng salin sa mga salitang Hebreo sa Genesis 2:24 at nagpapahiwatig ng “isang ganap na pagka-kasama ng lalaki at babae na hindi maaaring sirain nang hindi pinipinsala ang mga kasali rito.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share