Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Diborsiyo—Ano ba Talaga ang Sinasabi ng Bibliya?
    Ang Bantayan—1988 | Mayo 15
    • Ang pangungusap ni Jesus na sinipi sa itaas ay bahagi ng kaniyang sagot sa tanong ng mga Fariseo: “Naaayon ba sa kautusan na hiwalayan ng isang lalaki ang kaniyang asawa sa bawat kadahilanan?” (Mateo 19:3-6) Palibhasa’y hindi nasiyahan ang mga Fariseo sa sagot na iyan, sila’y nagtanong pa sa kaniya: “Bakit nga ipinag-utos ni Moises na magbigay ng kasulatan sa paghihiwalay at diborsiyuhin siya?” Pagkatapos, sinabi ni Jesus: “Dahil sa katigasan ng inyong puso ay ipinaubaya sa inyo ni Moises na inyong hiwalayan ang inyu-inyong asawa, datapuwat hindi gayon nang pasimula.” Pagkatapos ay sinabi pa niya: “Sinasabi ko sa inyo na sinumang dumiborsiyo sa kaniyang asawang babae maliban ng dahil sa pakikiapid, at mag-asawa sa iba ay nagkakasala ng pangangalunya.”​—Mateo 19:7-9.

  • Diborsiyo—Ano ba Talaga ang Sinasabi ng Bibliya?
    Ang Bantayan—1988 | Mayo 15
    • Nang ang sangkatauhan ay nahulog sa kasalanan at di-kasakdalan, ganoon din ang nangyari sa institusyon ng pag-aasawa. (Roma 5:12) Yamang ang mga tao’y hindi na sakdal, ang direksiyon ng tao ay naging maigting na at nababahiran ng kaimbutan, kasakiman, at sariling interes. Iyon ang tinukoy ni Jesus na “katigasan ng inyong puso,” na dahilan doon ang Kautusang Mosaiko ay nagbigay ng dako sa diborsiyo. Gayunman, ipinaalaala ni Jesus sa mga Fariseo: “Hindi gayon nang pasimula.” Ngayon, sa ilalim ng di-sakdal na mga kalagayan, ang mga mag-asawa ay dapat na magsikap upang malutas ang anumang di-pagkakaunawaan at mga suliranin sa halip na gamitin ang mga ito na mga dahilan o pagdadahilan para sila’y magkahiwalay. Subalit, binanggit ni Jesus na mayroong isang kataliwasan, samakatuwid nga, ang pakikiapid. Ang pagtataksil ng sinuman sa mag-asawa ay maaaring maging dahilan ng paghihiwalay.

  • Diborsiyo—Ano ba Talaga ang Sinasabi ng Bibliya?
    Ang Bantayan—1988 | Mayo 15
    • Buhat sa naunang mga binanggit na, malinaw na hindi sinasabi ng Bibliya na lahat ng pag-aasawa ay kailangang manatiling permanente at na hindi pinahihintulutan ang diborsiyo sa anumang dahilan. Sa kabilang dako, ang Bibliya ay nagbibigay ng isa lamang sinasang-ayunang batayan ng diborsiyo, samakatuwid nga, “ng dahil sa pakikiapid.”

      ‘Maging Marangal Nawa ang Pag-aasawa’

      Sa pamamagitan ng pagsang-ayon sa diborsiyo batay sa isang dahilan, ang Bibliya ba ay nanghihimok na magsagawa ng diborsiyo? Dahilan ba sa pagpapahintulot na ito ay nagiging walang kabuluhan ang pag-aasawa o inaalisan nito ng karangalan ang pag-aasawa? O sa pagpapahintulot na magkaroon ng isa lamang kadahilanan para sa diborsiyo, ang Bibliya ba ay naglalagay ng di-makatuwirang pabigat sa mga nag-aasawa?

      Ang kabaligtaran ang totoo, sapagkat ang pag-aasawa ay tinutukoy ng Bibliya bilang isa sa pinakamalapit at pinakamatalik na buklod na matatamasa ng dalawang tao. “Iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ang kaniyang ina at siya’y makikipisan sa kaniyang asawa at sila’y magiging isang laman,” ang sabi ng ulat ng Genesis tungkol sa unang pag-aasawa. (Genesis 2:24) At kailangang ingatan ng mag-asawa ang “isang laman” na relasyong ito bilang isang bagay na mahalaga. “Ang pag-aasawa’y maging marangal nawa sa lahat, at ang higaan ng mag-asawa ay huwag sanang magkaroon ng dungis,” ang payo ng Bibliya.​—Hebreo 13:4.

      Malimit na nasasabi, sa anumang paraan, na ang pundasyon ng isang namamalagi at maligayang pag-aasawa ay hindi ang romantikong pag-ibig kundi ang kawalang pag-iimbot. Iyon nga ang ipinakikita ng Bibliya. Sinasabi nito: “Dapat ibigin ng mga lalaki ang kani-kanilang asawa tulad ng sarili nilang katawan. Ang umiibig sa asawa niya ay umiibig sa sarili niya, sapagkat wala pang lalaking napopoot sa sarili niyang laman; kundi pinakakain niya ito at inaalagaan ito, tulad din ni Kristo sa kongregasyon. . . Gayundin, dapat taimtim na igalang ng babae ang kaniyang asawa.” (Efeso 5:28-33) At sa tahasang pangungusap, ang Bibliya’y nagpapayo: “Ibigay ng lalaki sa asawa niya ang sa kaniya’y nauukol; ngunit gayundin sana ang gawin ng babae sa kaniyang asawa. Walang karapatan ang babae sa sarili niyang katawan kundi ang kaniyang asawa ang mayroon; gayundin, walang karapatan ang lalaki sa kaniyang sariling katawan kundi ang asawa niya ang mayroon. Huwag ninyong pagkaitan ang isa’t isa nito.”​—1 Corinto 7:3-5.

      Pagka ang kapuwa mag-asawa ay handang sumunod sa ganiyang matalinong payo, malayong mangyari na ang kanilang pagsasamang mag-asawa ay hahantong sa punto na kung saan ang isa sa kanila ay makikiapid, at sa gayon, sisirain ang relasyon na “iisang laman.” Kahit na kung ang isa sa mag-asawa ay hindi sumusunod sa gayong mga simulain ng Bibliya, ang asawang sumasampalataya ay makapagtitiwala na ang paraan ng Diyos ang pinakamagaling pa rin, at maraming mga suliranin sa pag-aasawa ang malulutas o maiiwasan sa gayong paraan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share