Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Manggagawa sa Ubasan
    Ang Bantayan—1989 | Agosto 15
    • MARAMING mga una,” ang kasasabi-sabi lamang ni Jesus, “na mangahuhuli at ang mga huli na mangauuna.” Ngayon ay kaniyang ipinaghalimbawa ito sa pamamagitan ng pag-iistorya. “Ang kaharian ng langit,” pasimula niya, “ay tulad sa isang tao, isang punò ng sambahayan, na lumabas pagkaumagang-umaga upang umupa ng mga manggagawa para sa kaniyang ubasan.”

  • Mga Manggagawa sa Ubasan
    Ang Bantayan—1989 | Agosto 15
    • Ang 12-oras, o buong-araw, na mga manggagawa ay kumakatawan sa mga lider na Judio na okupadong patuluyan sa relihiyosong paglilingkod. Sila’y di-tulad ng mga alagad ni Jesus, na, sa kalakhang bahagi ng kanilang buhay, ay mga mangingisda ang hanapbuhay o iba pang pinagkakakitaang gawain. Noon lamang taglagas ng 29 C.E. sinugo ng “punò ng sambahayan” si Jesu-Kristo upang tipunin ang mga ito para maging kaniyang mga alagad. Sa gayo’y sila ang ‘nangahuli,’ o ang ika-11-oras na mga manggagawa sa ubasan.

  • Mga Manggagawa sa Ubasan
    Ang Bantayan—1989 | Agosto 15
    • Ang pagtanggap sa denaryo ay naganap, hindi nang mamatay si Jesus, kundi noong Pentecostes 33 C.E., nang si Kristo, ang “katiwala,” ay magbuhos ng banal na espiritu sa kaniyang mga alagad. Ang mga alagad na ito ni Jesus ay katulad ng “mga huli,” o ng mga manggagawa sa ika-11-oras.

  • Mga Manggagawa sa Ubasan
    Ang Bantayan—1989 | Agosto 15
    • Ang katuparan bang iyan noong unang siglo ang tanging katuparan ng ilustrasyon ni Jesus? Hindi, ang klero ng Sangkakristiyanuhan sa ika-20 siglong ito, dahilan sa kanilang mga posisyon at mga pananagutan, ang mga ‘nauna’ na kinuha para magtrabaho sa makasagisag na ubasan ng Diyos. Kanilang itinuturing na ang nag-alay na mga mangangaral na kaugnay ng Watch Tower Bible and Tract Society ang siyang “mga huli” na binigyan ng mahalagang atas sa paglilingkuran sa Diyos. Subalit, ang totoo, ang mismong mga ito na hinahamak-hamak ng klero ang nagsitanggap ng denaryo​—ang karangalan sa paglilingkod bilang pinahirang mga embahador ng makalangit na Kaharian ng Diyos. Mateo 19:30–20:16.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share