-
Mga Manggagawa sa UbasanAng Bantayan—1989 | Agosto 15
-
-
Sa katapus-tapusan, ang simbolikong maghapon ay nagtatapos sa pagkamatay ni Jesus, at sumapit na ang oras upang bayaran ang mga manggagawa. Ang di-karaniwang alituntunin na unang binabayaran ang huli ay sinusunod, gaya ng ipinaliliwanag: “At nang dumating ang hapon, sinabi ng Panginoon ng ubasan sa kaniyang katiwala, ‘Tawagin mo ang mga manggagawa at bayaran mo sila ng kaupahan sa kanila, na mula sa mga huli hanggang sa mga una.’ At paglapit ng mga manggagawa sa ika-11 oras, bawat isa sa kanila ay tumanggap ng denaryo. At nang magsilapit ang mga nauna, ang akala nila’y magsisitanggap sila nang higit; subalit sila’y nagsitanggap din bawat tao ng isang denaryo. At nang kanilang tanggapin iyon sila’y nagbulung-bulungan laban sa punò ng sambahayan at ang sabi, ‘Isa lamang oras ang ginugol nitong mga huli; gayunman sila’y ipinantay mo sa amin na mga nangagbata ng hirap sa maghapon at ng init na nakasusunog!’ Datapuwat siya’y sumagot at sinabi sa isa sa kanila, ‘Kaibigan, hindi kita ginagawan nang masama. Nakipagkasundo ka sa akin sa halagang isang denaryo, di ba? Kunin mo ang ganang iyo at humayo ka sa iyong lakad. Ibig kong bigyan itong huli na gaya rin ng sa iyo. Hindi baga matuwid na aking gawin ang ibig ko sa aking pag-aari? O masama ang mata mo sapagkat ako’y mabuti?’” Bilang pagtatapos ay inulit ni Jesus ang isang puntong binanggit na niya noon pa, na: “Kaya’t ang mga huli ay mauuna, at ang mga una ay mahuhuli.”
-
-
Mga Manggagawa sa UbasanAng Bantayan—1989 | Agosto 15
-
-
Hindi nalaunan at ang mga naunang manggagawang iyon ay nakapansin na unang binayaran ang mga alagad ni Jesus, at kanilang nakita ang mga ito na gumagamit ng makasagisag na denaryo. Subalit higit pa ang ibig nila bukod sa banal na espiritu at sa kaugnay na mga pribilehiyo tungkol sa Kaharian. Ang kanilang pagbubulungan at mga pagtutol ay humantong sa pag-uusig sa mga alagad ni Kristo, ‘ang huling’ mga manggagawa sa ubasan.
Ang katuparan bang iyan noong unang siglo ang tanging katuparan ng ilustrasyon ni Jesus? Hindi, ang klero ng Sangkakristiyanuhan sa ika-20 siglong ito, dahilan sa kanilang mga posisyon at mga pananagutan, ang mga ‘nauna’ na kinuha para magtrabaho sa makasagisag na ubasan ng Diyos. Kanilang itinuturing na ang nag-alay na mga mangangaral na kaugnay ng Watch Tower Bible and Tract Society ang siyang “mga huli” na binigyan ng mahalagang atas sa paglilingkuran sa Diyos. Subalit, ang totoo, ang mismong mga ito na hinahamak-hamak ng klero ang nagsitanggap ng denaryo—ang karangalan sa paglilingkod bilang pinahirang mga embahador ng makalangit na Kaharian ng Diyos. Mateo 19:30–20:16.
-