-
Ang Ipinangakong Prinsipe ng KapayapaanHula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
-
-
15, 16. (a) Sa anong “huling pagkakataon” magbabago ang kalagayan para sa “distrito ng Zebulun at ng Neptali”? (b) Paanong ang lupain na hinamak ay pinarangalan?
15 Sinagot ni apostol Mateo ang katanungang ito sa kaniyang kinasihang ulat hinggil sa makalupang ministeryo ni Jesus. Sa paglalarawan sa mga unang araw ng ministeryong iyon, sinabi ni Mateo: “Paglisan sa Nazaret, [si Jesus] ay dumating at nanahanan sa Capernaum sa tabi ng dagat sa mga distrito ng Zebulon at Neptali, upang matupad ang sinalita sa pamamagitan ni Isaias na propeta, na nagsasabi: ‘O lupain ng Zebulon at lupain ng Neptali, sa kahabaan ng daan ng dagat, sa kabilang ibayo ng Jordan, Galilea ng mga bansa! ang bayan na nakaupo sa kadiliman ay nakakita ng isang malaking liwanag, at para roon sa mga nakaupo sa pook ng anino ng kamatayan, ang liwanag ay suminag sa kanila.’”—Mateo 4:13-16.
-
-
Ang Ipinangakong Prinsipe ng KapayapaanHula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
-
-
Ang “Isang Malaking Liwanag”
17. Paanong ang “isang malaking liwanag” ay sumikat sa Galilea?
17 Subalit ano ang binanggit ni Mateo na “isang malaking liwanag” sa Galilea? Ito rin ay isang pagsipi mula sa hula ni Isaias. Sumulat si Isaias: “Ang bayan na lumalakad sa kadiliman ay nakakita ng isang malaking liwanag. Para roon sa mga tumatahan sa lupain ng matinding karimlan, ang liwanag ay sumikat sa kanila.” (Isaias 9:2) Pagsapit ng unang siglo C.E., ang liwanag ng katotohanan ay naikubli dahilan sa mga paganong kasinungalingan. Lalo pang pinalaki ng mga Judiong pinuno ng relihiyon ang suliranin sa pamamagitan ng panghahawakan sa kanilang relihiyosong tradisyon anupat ‘pinawalang-bisa nila ang salita ng Diyos.’ (Mateo 15:6) Ang mga mapagpakumbaba ay inaapi at nalilito, na sumusunod sa “mga bulag na tagaakay.” (Mateo 23:2-4, 16) Nang lumitaw ang Mesiyas na si Jesus, ang mga mata ng maraming mapagpakumbabang tao ay nabuksan sa isang kamangha-manghang paraan. (Juan 1:9, 12) Ang gawain ni Jesus samantalang nasa lupa at ang mga pagpapalang idinulot ng kaniyang hain ay angkop na ipinakilala sa hula ni Isaias bilang “isang malaking liwanag.”—Juan 8:12.
-