Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ibinunyag ng mga Paghahalimbawa sa Ubasan
    Ang Bantayan—1990 | Enero 1
    • “Isang tao ang may dalawang anak,” ang paglalahad ni Jesus. “Lumapit siya sa una, at sinabi niya, ‘Anak, pumaroon ka at gumawa ka ngayon sa ubasan.’ Bilang sagot ay sinabi nito, ‘Ginoo, ako’y paroroon,’ ngunit hindi naparoon. At siya’y lumapit sa ikalawa, at ganoon din ang sinabi. Sumagot ang isang ito, ‘Ayaw ko.’ Datapuwat pagkatapos ay nagsisi siya at naparoon. Alin baga sa dalawa ang gumawa ng kalooban ng kaniyang ama?” ang tanong ni Jesus.

  • Ibinunyag ng mga Paghahalimbawa sa Ubasan
    Ang Bantayan—1990 | Enero 1
    • Kaya’t si Jesus ay nagpaliwanag: “Katotohanang sinasabi ko sa inyo na ang mga maniningil ng buwis at ang mga patutot ay mangauuna pa sa inyo ng pagpasok sa kaharian ng Diyos.” Ang mga maniningil ng buwis at ang mga patutot, sa katunayan, ay sa pasimula tumanggi ng paglilingkod sa Diyos. Ngunit pagkatapos, tulad ng ikalawang anak, sila’y nangagsisi at naglingkod sa kaniya. Sa kabilang panig naman, ang mga pinunong relihiyoso, katulad ng unang anak, ay nagpanggap na naglilingkod sa Diyos, gayon man, gaya ng sabi ni Jesus: “Si Juan [Bautista] ay naparoon sa inyo sa daan ng katuwiran, ngunit hindi ninyo siya pinaniwalaan. Datapuwat, ang mga maniningil ng buwis at ang mga patutot ay nagsipaniwala sa kaniya, at kayo, bagaman nakita ninyo ito, ay hindi kayo nangagsisi pagkatapos upang maniwala sa kaniya.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share