Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang mga Judio ba ang Piniling Bayan ng Diyos?
    Gumising!—1990 | Hulyo 8
    • Patuloy kayang mamalasin ni Jehova ang mga Judio bilang kaniyang piniling bayan? Kinikilala na ang marami ay minsang pang nagtaliwakas sa dalisay na pagsamba kay Jehova, sinabi ni Jesus: “Aalisin sa inyo ang kaharian ng Diyos at ibibigay sa isang bansang nagkakabunga ng mga bunga niyan.” (Mateo 21:43) Palibhasa’y hindi nila sinunod ang babalang iyon, ang karamihan ay nagpatuloy sa kanilang apostatang landasin at tinanggihan si Jesus bilang ang pinahiran ni Jehova. Kaya, hindi nagtagal ipinahintulot ng Diyos na ang templong itinayong-muli ay mawasak, noong 70 C.E. (Mateo 23:​37, 38) Ibig bang sabihin nito na tinatanggihan na ngayon ng Diyos ang lahat ng Judio?

  • Ang mga Judio ba ang Piniling Bayan ng Diyos?
    Gumising!—1990 | Hulyo 8
    • Sa gayon, kapuwa ang mga Judio at di-Judio ay maaaring maging piniling bayan ng Diyos, taglay ang pag-asang maglingkod bilang mga saserdote alang-alang sa iba pa ng sangkatauhan. Nagsasalita sa tapat na mga mananamba ng iba’t ibang pambansang pinagmulan, ang Kristiyanong apostol na si Pedro, isang Judio mula sa pagsilang, ay sumulat: “Kayo ay ‘isang piniling lahi, isang makaharing pagkasaserdote, bansang banal, bayang tanging pag-aari’ . . . Sapagkat dati’y hindi kayo bayan, ngunit ngayon ay bayan na ng Diyos.” (1 Pedro 2:​9, 10) Ito ang “bansa,” bayan na may maka-Diyos na mga katangian, na sinabi ni Jesus na magbubunga ng ‘mga bunga ng kaharian ng Diyos’ at samakatuwid ay magtatamasa ng pantanging kaugnayan kay Jehova.​—Mateo 21:43.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share