-
Kung Paano Ipinapangaral ang Mabuting BalitaMasayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
-
-
4. Nagsisikap kaming pangaralan ang lahat ng tao
Ginagawa ng mga Saksi ni Jehova ang buong makakaya nila para maipangaral ang mabuting balita sa lahat ng tao saanman sila nakatira. Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:
Ano ang hinahangaan mo sa pangangaral ng mga Saksi ni Jehova?
Basahin ang Mateo 22:39 at Roma 10:13-15. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:
Paano ipinapakita ng pangangaral na mahal namin ang aming kapuwa?
Ano ang nararamdaman ni Jehova sa mga nangangaral ng mabuting balita?—Tingnan ang talata 15.
-
-
Paano Tayo Magiging Malinis sa Harap ng Diyos?Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
-
-
4. Itigil ang mga bisyo
Matutulungan tayo ni Jehova na ihinto ang mga bisyo
Kung naninigarilyo ka o gumagamit ng droga, alam mong hindi madaling itigil ito. Ano ang makakatulong sa iyo? Pag-isipan ang masasamang epekto ng mga bisyong ito. Basahin ang Mateo 22:37-39. Pagkatapos, talakayin ang masasamang epekto ng paninigarilyo o maling paggamit ng droga sa . . .
kaugnayan ng isang tao kay Jehova.
pamilya ng isang tao at sa iba.
Gumawa ng plano para maitigil ang mga bisyo.a Panoorin ang VIDEO.
Basahin ang Filipos 4:13. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:
Paano makakatulong ang regular na pananalangin, pag-aaral ng Bibliya, at pagdalo sa mga pulong para maitigil ang mga bisyo?
5. Labanan ang maling mga kaisipan at gawain
Basahin ang Colosas 3:5. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:
Para kay Jehova, bakit maruruming gawain ang pornograpya, sexting, at masturbasyon?
Sa tingin mo, puwede ba tayong maging malinis sa moral gaya ng inaasahan ni Jehova sa atin? Bakit?
Tingnan kung paano lalabanan ang maling mga kaisipan. Panoorin ang VIDEO.
Gamit ang isang ilustrasyon, ipinakita ni Jesus na dapat tayong kumilos agad para manatiling malinis sa moral. Basahin ang Mateo 5:29, 30. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:
Hindi sinasabi ni Jesus na dapat nating saktan ang sarili natin, pero sinasabi niya na kailangan tayong kumilos. Ano ang dapat gawin ng isang tao para maalis ang maling mga kaisipan?b
Kung pinaglalabanan mo ang maling mga kaisipan, pinapahalagahan ni Jehova ang mga pagsisikap mo. Basahin ang Awit 103:13, 14. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:
Kung may bisyo ka na gusto mong alisin, paano makakatulong ang tekstong binasa para patuloy mo itong mapaglabanan?
“Huwag Kang Susuko!”
Madaling isipin, ‘Bumalik na naman ako sa bisyo ko, hindi ko talaga kayang huminto!’ Pag-isipan ito: Kapag nadapa ang isang mananakbo, hindi ibig sabihin nito na talo na siya o kailangan niyang magsimula ulit. Ganiyan din kapag bumalik ka sa bisyo mo, hindi ibig sabihin nito na talo ka na o hindi mo kayang mapaglabanan ang bisyo mo. Hindi rin sayang ang mga nagawa mo. Normal na mangyari iyan sa mga may bisyo. Pero huwag kang susuko! Matutulungan ka ni Jehova na maitigil ang mga bisyo mo.
-