-
Tumpak ba ang Salin ng New World Translation?Karaniwang mga Tanong Tungkol sa mga Saksi ni Jehova
-
-
Paggamit ng ibang mga salita. Paminsan-minsan, malabo o nakalilito ang salita-por-salitang mga salin. Halimbawa, ang sinabi ni Jesus sa Mateo 5:3 ay madalas isalin: “Blessed are the poor in spirit.” (English Standard Version; King James Version; New International Version) Iniisip ng marami na malabo ang literal na salin na “poor in spirit,” o “dukha sa espiritu,” samantalang iniisip naman ng ilan na ang itinatampok dito ni Jesus ay ang kahalagahan ng pagpapakumbaba o pagiging dukha. Pero ang idiniriin dito ni Jesus ay na ang tunay na kaligayahan ay nagmumula sa pagkilala na kailangan natin ang patnubay ng Diyos. Tama ang pagkakasalin ng New World Translation sa kahulugan ng sinabi ni Jesus—“mga palaisip sa kanilang espirituwal na pangangailangan.”—Mateo 5:3.c
-
-
Tumpak ba ang Salin ng New World Translation?Karaniwang mga Tanong Tungkol sa mga Saksi ni Jehova
-
-
c Kahawig ito ng pagkakasalin ng J. B. Phillips sa pananalita ni Jesus, “those who know their need for God” (“ang mga nakaaalam na kailangan nila ang Diyos”). Ginamit naman ng The Translator’s New Testament ang pariralang “those who know their spiritual need” (“ang mga nakaaalam ng kanilang espirituwal na pangangailangan”).
-