Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Iniligtas Buhat sa Isang “Balakyot na Salinlahi”
    Ang Bantayan—1995 | Nobyembre 1
    • 11. (a) Anong awtoridad ang dapat na pangunahing umakay sa atin sa pagtiyak kung papaano ikakapit ang he ge·ne·aʹ hauʹte? (b) Papaano ginamit ng awtoridad na ito ang termino?

      11 Mangyari pa, pangunahing inaakay ng mga Kristiyanong nag-aaral ng bagay na ito ang kanilang kaisipan sa kung papaano ginamit ng mga kinasihang manunulat ng Ebanghelyo ang Griegong pananalita na he ge·ne·aʹ hauʹte, o “ang salinlahing ito,” sa pag-uulat ng mga salita ni Jesus. Ang pananalita ay patuloy na ginamit sa isang negatibong paraan. Kaya naman, ang mga relihiyosong lider na Judio ay tinawag ni Jesus na “mga serpiyente, supling ng mga ulupong” at sinabi pa na ang paghatol ng Gehenna ay ipapataw sa “salinlahing ito.” (Mateo 23:33, 36) Subalit ang paghatol bang ito ay sa mapagpaimbabaw na mga klerigo lamang? Tiyak na hindi. Sa ilang pagkakataon, narinig ng mga alagad ni Jesus na bumanggit siya tungkol sa “salinlahing ito,” anupat walang-pagbabagong ikinakapit ang termino sa isang lalong malawak na diwa. Ano iyon?

  • Iniligtas Buhat sa Isang “Balakyot na Salinlahi”
    Ang Bantayan—1995 | Nobyembre 1
    • 13. Sa harap ng kaniyang mga alagad, sino ang ipinakilala at hinatulan ni Jesus bilang “ang balakyot na salinlahing ito”?

      13 Pagkaraan noong 31 C.E., habang si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay patungo na sa kanilang pangalawang lumilibot na pangangaral sa Galilea, “ang ilan sa mga eskriba at mga Fariseo” ay humingi kay Jesus ng isang tanda. Sinabi niya sa kanila at sa “mga pulutong” na naroroon: “Ang isang balakyot at mapangalunyang salinlahi ay patuloy na naghahanap ng isang tanda, ngunit walang tanda ang ibibigay dito maliban sa tanda ni Jonas na propeta. Sapagkat kung paanong si Jonas ay nasa tiyan ng pagkalaki-laking isda nang tatlong araw at tatlong gabi, gayundin ang Anak ng tao ay mapapasa-puso ng lupa nang tatlong araw at tatlong gabi. . . . Ganiyan din ang mangyayari sa balakyot na salinlahing ito.” (Mateo 12:38-46) Maliwanag, sa “balakyot na salinlahing ito” ay kasali kapuwa ang relihiyosong mga lider at ang “mga pulutong” na hindi nakaunawa sa tanda na natupad noong kamatayan at pagkabuhay-muli ni Jesus.d

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share