Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w92 10/15 p. 32
  • Natupad ang Hula

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Natupad ang Hula
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
w92 10/15 p. 32

Natupad ang Hula

NANG si Kristo Jesus ay tanungin ng kaniyang mga alagad kung ano ang tanda ng kaniyang di-nakikitang pagkanaririto sa kapangyarihan ng Kaharian, inihula ni Jesus ang “pagsagana ng katampalasanan.” (Mateo 24:3, 12) Ang hula bang ito ay natutupad sa ating kaarawan?

Tupad na tupad nga! Ang aklat na The United Nations and Crime Prevention, lathala ng UN noong Oktubre 1991, ay nagsasabi: “Ang malubhang krimen ay isang namumukod-tanging malalang suliranin para sa karamihan ng mga bansa ng daigdig. Ang krimen sa loob ng kanilang bansa ay hindi masugpo ng karamihan ng indibiduwal na mga bansa at ang krimen na lampas pa sa mga hangganan ay lalong bumibilis ang pagdami anupat hindi na kayang sugpuin ng pandaigdig na komunidad. . . . Ang krimen na isinasagawa ng organisadong mga grupo ng kriminal ay nakababahala ang paglaganap, na may lalong higit na malulubhang ibinungang pisikal na karahasan, pananakot at katiwalian ng mga pinunong bayan. Dahil sa terorismo ay nabiktima ang sampu-sampung libong taong walang kasalanan. Naging isang pambuong daigdig na trahedya ang panunulisan at pangangalakal ng nakasusugapang narkotiko. Makakriminal at walang patumanggang pagpapahamak ng kapaligiran ay nakababahala ang kalubhaan at ang lawak anupat kinikilala ito na isang krimen laban sa daigdig mismo.”

Pag-atake: Pagsulong mula sa 150 pag-atake bawat 100,000 katao noong 1970 hanggang sa halos 400 bawat 100,000 noong 1990.

Pagnanakaw: Pagsulong mula sa mahigit lamang na 1,000 bawat 100,000 noong 1970 hanggang 3,500 bawat 100,000 noong 1990.

Sinadyang pagpatay: Sa umuunlad na mga bansa, ang pagsulong ay mula 1 hanggang 2.5 bawat 100,000 sa pagitan ng 1975 at 1985. Sa mauunlad na mga bansa para sa panahon ding iyan ay mula sa wala pang 3 hanggang mahigit na 3.5.

Krimen na may kaugnayan sa droga: Ganito ang puna ng aklat: “Ang malalaking sindikato ay literal na mas masalapi at mas makapangyarihan kaysa mga Pamahalaan ng maliliit na bansa, at nahadlangan pa nila ang pagbabawal at pagsisikap na maipatupad ang batas ng industriyalisadong mga bansa.”

Pangkalahatang bilis ng pagdami ng krimen: Inaasahang madodoble mula sa 4,000 bawat 100,000 noong 1985 hanggang sa halos 8,000 sa taóng 2000.

Ang pandaigdig na pagsulong sa dami ng krimen ay isa lamang sa bahagi ng hula ni Jesus na nagpapakitang tayo’y nabubuhay “sa katapusan ng sistema ng mga bagay.” (Mateo 24:3) Sinabi ni Jesus: “Kung makita na ninyong nagaganap ang mga bagay na ito, talastasin ninyo na ang kaharian ng Diyos ay malapit na.”​—Lucas 21:31.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share