Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kung Paano Ipinapangaral ang Mabuting Balita
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • Aralin 21. Isang lalaki sa kalsada sa isang lunsod na nakikipag-usap sa dalawang Saksi ni Jehova na nakatayo sa tabi ng isang literature cart.

      ARALIN 21

      Kung Paano Ipinapangaral ang Mabuting Balita

      Malapit nang alisin ni Jehova ang lahat ng problema gamit ang kaniyang Kaharian. Ang mabuting balitang ito ay kailangang malaman ng mga tao. At gusto ni Jesus na ipangaral ng mga tagasunod niya ang mensaheng ito. (Mateo 28:​19, 20) Paano nasusunod ng mga Saksi ni Jehova ang utos na ito ni Jesus?

      1. Paano natutupad ngayon ang Mateo 24:14?

      Inihula ni Jesus: “Ang mabuting balitang ito tungkol sa Kaharian ay ipangangaral sa buong lupa.” (Mateo 24:14) Masayang ginagawa ng mga Saksi ni Jehova ang mahalagang atas na ito. Ipinapangaral namin ang mabuting balita sa buong mundo sa mahigit 1,000 wika! Ang napakalaking gawaing ito ay kailangan ng pagsisikap at dapat na organisado. Hindi namin ito magagawa kung wala ang tulong ni Jehova.

      2. Anong mga pagsisikap ang ginagawa namin para mapangaralan ang mga tao?

      Nangangaral kami kung saan may tao. Gaya ng mga Kristiyano noong unang siglo, nangangaral kami “sa bahay-bahay.” (Gawa 5:42) Dahil sa organisadong paraang ito, napapangaralan namin ang milyon-milyong tao kada taon. Madalas na walang tao sa mga bahay kaya nangangaral din kami sa mga pampublikong lugar. Lagi kaming gumagawa ng paraan para masabi sa iba ang tungkol kay Jehova at sa layunin niya.

      3. Sino ang may pananagutang mangaral ng mabuting balita?

      Pananagutan ng lahat ng tunay na Kristiyano na ipangaral ang mabuting balita sa iba. Seryoso kami sa pananagutang ito. Nangangaral kami sa abot ng aming makakaya kasi alam namin na buhay ang nakataya. (Basahin ang 1 Timoteo 4:16.) Hindi kami sinusuwelduhan sa gawaing ito dahil sinasabi ng Bibliya: “Tinanggap ninyo nang walang bayad, ibigay ninyo nang walang bayad.” (Mateo 10:​7, 8) Hindi lahat ay tatanggap sa mensahe namin, pero patuloy pa rin kaming mangangaral kasi bahagi ito ng pagsamba namin at nagpapasaya ito kay Jehova.

      PAG-ARALAN

      Alamin ang mga pagsisikap ng mga Saksi ni Jehova para makapangaral sa buong mundo at kung paano kami tinutulungan ni Jehova.

      A. Dalawang Saksi ni Jehova na nangangaral sa isang lalaki sa isang burol sa Costa Rica. B. Dalawang Saksi ni Jehova na nangangaral sa isang mangingisda sa isang pantalan sa United States. C. Dalawang Saksi ni Jehova na nangangaral sa isang lalaki sa isang probinsiya sa Benin. D. Isang Saksi na nangangaral sa isang tindera sa isang floating market sa Thailand. E. Dalawang Saksi ni Jehova na nangangaral sa isang babae sa harap ng malalaking bato sa Yap. F. Dalawang Saksi ni Jehova na nangangaral sa isang babae sa kalsadang may niyebe malapit sa isang maliit na ilog sa Sweden.

      Pangangaral sa buong mundo: (A) Costa Rica, (B) United States, (C) Benin, (D) Thailand, (E) Yap, (F) Sweden

      4. Nagsisikap kaming pangaralan ang lahat ng tao

      Ginagawa ng mga Saksi ni Jehova ang buong makakaya nila para maipangaral ang mabuting balita sa lahat ng tao saanman sila nakatira. Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      VIDEO: Pangangaral sa “Pinakamalayong Bahagi ng Lupa” (7:​38)

      • Ano ang hinahangaan mo sa pangangaral ng mga Saksi ni Jehova?

      Basahin ang Mateo 22:39 at Roma 10:​13-15. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Paano ipinapakita ng pangangaral na mahal namin ang aming kapuwa?

      • Ano ang nararamdaman ni Jehova sa mga nangangaral ng mabuting balita?​—Tingnan ang talata 15.

      5. Kamanggagawa kami ng Diyos

      Maraming karanasan ang nagpapakitang pinapatnubayan ni Jehova ang gawain namin. Tingnan ang halimbawa ng isang brother sa New Zealand na si Paul. Isang hapon, nakausap niya ang isang babae habang nagbabahay-bahay. Nang umaga ring iyon, nanalangin ang babae sa Diyos at ginamit niya ang pangalan ni Jehova. Hiniling niya na sana may dumalaw sa kaniya. “Pagkaraan ng tatlong oras, dumating ako sa bahay niya,” ang sabi ni Paul.

      Basahin ang 1 Corinto 3:9. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Paano ipinapakita ng mga karanasan, gaya ng sa New Zealand, na pinapatnubayan ni Jehova ang gawaing pangangaral?

      Basahin ang Gawa 1:8. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Bakit kailangan natin ang tulong ni Jehova kapag nangangaral tayo?

      Alam mo ba?

      Linggo-linggo, sa pulong sa gitnang sanlinggo, sinasanay kaming mangaral. Kung nakadalo ka na sa pulong na ito, ano ang masasabi mo sa pagsasanay na ito?

      Dalawang Saksi ni Jehova habang ipinapakita sa isang pulong ng kongregasyon kung paano mangangaral.

      6. Sinusunod namin ang utos ng Diyos na mangaral

      Noong unang siglo, may mga nagpapahinto sa mga tagasunod ni Jesus na mangaral. Ipinagtanggol ng mga Kristiyano noon ang karapatan nila na mangaral sa pamamagitan ng “legal na pagtatatag ng mabuting balita.” (Filipos 1:7) Ganiyan din ang ginagawa ng mga Saksi ni Jehova ngayon.a

      Panoorin ang VIDEO.

      VIDEO: Legal na Pagtatanggol sa Mabuting Balita (2:​28)

      Basahin ang Gawa 5:​27-42. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Bakit hindi tayo hihinto sa pangangaral?​—Tingnan ang talata 29, 38, at 39.

      KUNG MAY MAGTANONG: “Bakit nagbabahay-bahay ang mga Saksi ni Jehova?”

      • Ano ang isasagot mo?

      SUMARYO

      Inutusan ni Jesus ang mga tagasunod niya na ipangaral ang mabuting balita sa lahat ng bansa. Tinutulungan ni Jehova ang mga lingkod niya sa gawaing ito.

      Ano ang Natutuhan Mo?

      • Paano ipinapangaral ang mabuting balita sa buong mundo?

      • Paano ipinapakita ng pangangaral na mahal namin ang aming kapuwa?

      • Sa tingin mo, magiging masaya ba tayo kapag nangangaral tayo? Bakit?

      Subukan Ito

      TINGNAN DIN

      Tingnan kung paano nangangaral ang mga Saksi ni Jehova sa malalaking lunsod.

      Special Metropolitan Public Witnessing sa Paris (5:​11)

      Ano ang ginawa ng mga Saksi ni Jehova para tulungan ang mga refugee?

      Sinasapatan ang Espirituwal na Pagkauhaw ng mga Refugee (5:​59)

      Pakinggan ang kuwento ng isang babae na ginamit ang buong buhay niya sa pangangaral at tingnan kung bakit siya naging masaya.

      Masaya Ako sa Napili Kong Karera (6:​29)

      Alamin ang ilang kaso sa korte na naipanalo ng mga Saksi at tingnan kung ano ang epekto nito sa pangangaral.

      “Dumudulog sa Korte ang mga Mángangarál ng Kaharian” (Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos!, kabanata 13)

      a Galing sa Diyos ang utos na mangaral. Kaya hindi kailangan ng mga Saksi ni Jehova na magpaalam sa mga awtoridad para mangaral ng mabuting balita.

  • Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos!
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • 5. Nagbago ang mundo mula noong 1914

      Panoorin ang VIDEO.

      VIDEO: Nagbago ang Mundo Mula Noong 1914 (1:​10)

      Inihula ni Jesus ang mga mangyayari sa mundo kapag naging Hari na siya. Basahin ang Lucas 21:​9-11. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Alin sa mga pangyayaring ito ang nakikita mo na at nababalitaan?

      Sinabi ni apostol Pablo ang magiging ugali ng mga tao sa mga huling araw. Basahin ang 2 Timoteo 3:​1-5. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Alin sa mga ugaling ito ang nakikita mo na ngayon?

      Mga larawan: Mga pangyayari sa mundo at mga ugali ng tao sa mga huling araw. 1. Lider ng militar habang sumisigaw sa entablado at nakataas ang kamay. 2. Mga gusaling nawasak ng lindol. 3. Mga eroplano ng militar. 4. Mga taong naka-face mask habang naglalakad. 5. Ang Twin Towers sa New York na nasusunog dahil sa pag-atake ng terorista. 6. Lalaking gumagamit ng droga. 7. Asawang lalaki na sumisigaw habang sinasaktan ang asawa niya. 8. Iba’t ibang droga at alak. 9. Dalawang babae na nakasuot ng magagarbong damit at alahas habang nagse-selfie. 10. Isang DJ na nangunguna sa isang concert. 11. Mga nagra-riot na may inihahagis na Molotov cocktail.

      6. Ipakitang naniniwala ka na namamahala na ang Kaharian ng Diyos

      Basahin ang Mateo 24:​3, 14. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Anong mahalagang gawain ang nagpapakita na namamahala na ang Kaharian ng Diyos?

      • Paano ka makakatulong sa gawaing ito?

      Namamahala na ang Kaharian ng Diyos, at malapit na itong mamahala sa buong mundo. Basahin ang Hebreo 10:​24, 25. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Ano ang dapat nating gawin “habang nakikita nating papalapit na ang araw”?

      Mga larawan: 1. Isang Bible study na dumadalo sa pulong ng mga Saksi ni Jehova. 2. Nangangaral din siya sa isang kakilala niya.

      Kung may nalaman ka na puwedeng makatulong at makapagligtas sa iba, ano ang gagawin mo?

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share