Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pananatiling Organisado Para sa Kaligtasan sa Milenyo
    Ang Bantayan—1989 | Setyembre 1
    • 6. (a) Dahil sa pagsilang ng Kaharian kinailangan ang anong gawain na inihula ni Jesus? (b) Ang pagsasagawa ng gawaing ito ay humihingi ng anong dapat gawin ng mga lingkod ni Jehova, at papaano nila ngayon hinarap ito?

      6 Ang pagsilang ng Kaharian ni Jehova na kaniyang gagamitin sa pagbabangong-puri sa kaniyang matuwid na pagkasoberano sa buong sansinukob​—ah, narito ang isang bagay na karapat-dapat ibalita sa buong lupa! At ito na ang panahon para sa katuparan ng mga salitang ito ni Jesus tungkol sa mga patotoo ng kaniyang di-nakikitang “pagkanaririto”: “Ang mabuting balitang ito ng kaharian ay ipangangaral sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng bansa; at kung magkagayon ay darating ang wakas.” (Mateo 24:3, 14) Ang nagkakaisa, nagkakasuwatong pangangaral sa lahat ng bansa, sa buong lupa ay tunay na nangangailangan ng pag-uorganisa sa nakikitang bahagi ng pansansinukob na organisasyon ni Jehova. Ang Watch Tower Bible and Tract Society, na kinakatawan ng noo’y pangulo nito, si J. F. Rutherford, ay sang-ayon dito. Kaya, mula noong taóng 1919 pagkatapos ng digmaan, ang pag-uorganisa sa mga tapat na tumatangkilik sa Samahan bilang isang naisauling bansa ay itinaguyod nang puspusan, lakip ng panalangin para akayin at pagpalain ng Kataas-taasang Organisador, ang Diyos na Jehova. Sa harap ng Digmaang Pandaigdig II, sa kabila ng mahigpit na pananalansang ng mga Fasista, ng kilusang Nazi ni Hitler, at ng Accion Catolica at ang mga Saksi ni Jehova sa buong lupa ay buong pagkakaisang humarap sa kaaway na sanlibutan.

  • Pananatiling Organisado Para sa Kaligtasan sa Milenyo
    Ang Bantayan—1989 | Setyembre 1
    • 9. Bakit ang mga tupa ay inaanyayahan na kanilang manahin “ang kaharian na inihanda para sa [kanila],” at papaano sila nasa pinakamagaling na kalagayang gumawa nang mabuti sa mga kapatid ng Hari?

      9 Bakit ang mga tulad-tupang ito ay inaanyayahan na “manahin ang kaharian na inihanda para sa [kanila] buhat sa pagkatatag ng sanlibutan”? Sinasabi sa kanila ng Hari na ang dahilan ay sapagkat ginawan nila nang mabuti ang kaniyang “mga kapatid,” at sa ganoo’y sa kaniya nila ginawa iyon. Sa pananalitang “mga kapatid,” ang tinutukoy ng Hari ay ang nalabi ng kaniyang espirituwal na mga kapatid na naririto pa sa lupa sa katapusang ito ng sistema ng mga bagay. Ngayong kaisang kawan sila ng mga kapatid na ito ng Pastol-Hari, si Jesu-Kristo, sila’y magpapatuloy sa posibleng pinakamatalik na pakikisama sa nalabi ng gayong mga kapatid at sa ganoo’y nasa pinakamagaling na kalagayang gumawa nang mabuti sa kanila. Kahit na sa materyal na mga paraan, sila’y makatutulong sa mga kapatid ni Jesus na mangaral ng pabalita ng natatatag na Kaharian sa buong daigdig bago sumapit ang wakas. Kaya naman, ang mga tupa ay magpapakaingat sa kanilang pribilehiyo na manatiling organisado kaisa ng nalabi bilang ang kaisa-isang kawan ng kaisa-isang Pastol.

  • Pananatiling Organisado Para sa Kaligtasan sa Milenyo
    Ang Bantayan—1989 | Setyembre 1
    • 11. Papaano ipinakikita ng mga tupa na sila’y naninindigan sa Kaharian, at dahilan dito, anong pagpapala ang makakamit nila?

      11 Kabaligtaran ng simbolikong mga kambing, ang mga tulad-tupa ay nagpapakita at di-mapagkakamalian na sila’y naninindigan sa Kaharian. Papaano? Sa pamamagitan ng mga gawa, hindi ng mga salita lamang. Dahilan sa ang Hari ay di-nakikita sa kalangitan, sila’y hindi tuwirang makagagawa nang mabuti sa kaniya bilang pagsuporta sa kaniyang Kaharian. Kaya’t sila’y gumagawa nang mabuti sa kaniyang espirituwal na mga kapatid na naririto pa sa lupa. Bagaman ito’y humihila sa mga kambing upang mapoot, sumalansang, at mang-usig, dahil sa paggawa ng gayong kabutihan, ang mga tupa ay pinagsasabihan ng Hari na sila’y ‘pinagpapala ng kaniyang Ama.’

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share