Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Nagliligtas-Buhay ang Pananampalataya sa Hula ng Bibliya
    Ang Bantayan—2007 | Abril 1
    • Sa loob ng tatlong buwan, nagmartsa patimog ang Romanong gobernador ng Sirya na si Cestio Gallo kasama ang kaniyang 30,000 sundalo upang pahintuin ang pag-aalsa ng mga Judio. Dumating ang kaniyang hukbo sa Jerusalem noong Kapistahan ng mga Kubol at mabilis na nilusob ang mga karatig-pook. Dahil kakaunti lamang ang mga Zealot, nagtago sila sa loob ng tanggulan ng templo. Sinira ng mga sundalong Romano ang pader ng templo. Nagulantang ang mga Judio. Aba, nilalapastangan na ng mga paganong sundalo ang pinakabanal na dako ng Judaismo! Gayunman, natatandaan ng mga Kristiyano sa lunsod ang sinabi ni Jesus: ‘Kapag nakita ninyo ang kasuklam-suklam na bagay na nakatayo sa isang dakong banal, kung magkagayon yaong mga nasa Judea ay magsimula nang tumakas patungo sa mga bundok.’ (Mateo 24:15, 16) Mananampalataya kaya sila sa hula ni Jesus at mapakikilos na tumalima? Gaya ng makikita sa sumunod na mga pangyayari, nakasalalay sa paggawa nito ang kanilang buhay. Subalit paano sila makatatakas?

      Walang anu-ano, umurong si Cestio Gallo at ang kaniyang mga sundalo patungo sa baybayin at tinugis naman sila ng mga Zealot. Bagaman hindi kapani-paniwala, napaikli ang kapighatian sa lunsod! Ipinakita ng mga Kristiyano ang kanilang pananampalataya sa makahulang babala ni Jesus at tumakas sila mula sa Jerusalem patungong Pela, isang neutral na lunsod na nasa kabundukan sa kabilang panig ng Ilog Jordan. Mabuti na lamang at agad silang tumakas. Bumalik agad ang mga Zealot sa Jerusalem at pinilit ang mga naiwan sa lunsod na sumama sa kanilang pag-aalsa.a Samantala, ligtas na ang mga Kristiyano sa Pela, at naghihintay ng susunod na mangyayari.

  • Nagliligtas-Buhay ang Pananampalataya sa Hula ng Bibliya
    Ang Bantayan—2007 | Abril 1
    • a Ayon sa ulat ng Judiong istoryador na si Josephus, pitong araw na tinugis ng mga Zealot ang mga Romano bago magbalik sa Jerusalem.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share