Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Ano ang Magiging Tanda ng Iyong Pagkanaririto?”
    Ang Bantayan—1994 | Pebrero 15
    • 13. Bakit nasunod ng mga Kristiyano ang babala ni Jesus na tumakas?

      13 Subalit kung umurong ang mga Romano buhat sa palibot ng Jerusalem, bakit pa kinailangang tumakas ang sinuman? Ang mga salita ni Jesus ay nagpakita na ang naganap ay nagpatotoo na ‘ang pagtitiwangwang ng Jerusalem ay malapit na.’ (Lucas 21:20) Oo, ang pagtitiwangwang. Inihula niya ang ‘isang kapighatian gaya ng hindi pa nangyayari mula nang pasimula at hindi na mangyayari pang muli.’ Pagkaraan ng mga tatlo at kalahating taon, noong 70 C.E., ang Jerusalem ay aktuwal na nakaranas ng “malaking kapighatian” buhat sa mga hukbong Romano sa ilalim ni Heneral Tito. (Mateo 24:21; Marcos 13:19) Ngayon, bakit ilalarawan ito ni Jesus bilang isang kapighatian na wala pang nakakatulad bago noon o buhat noon?

      14. Bakit natin masasabing ang nangyari sa Jerusalem noong 70 C.E. ay “malaking kapighatian” gaya ng hindi pa nangyayari ni nangyari man magmula noon?

      14 Ang Jerusalem ay niwasak ng mga taga-Babilonya noong 607 B.C.E., at nasaksihan ng lunsod ang kakila-kilabot na labanán sa ating kasalukuyang siglo. Gayunman, ang naganap noong 70 C.E. ay isang pambihirang malaking kapighatian. Sa isang kampanya na umabot ng mga limang buwan, tinalo ng mga mandirigma ni Tito ang mga Judio. Sila’y pumatay ng humigit kumulang 1,100,000 at bumihag ng halos 100,000. Bukod diyan, niwasak ng mga Romano ang Jerusalem. Ito’y nagpapatunay na ang Judiong sistema ng dating sinang-ayunang pagsamba na nakasentro sa templo ay nagwakas na magpakailanman. (Hebreo 1:2) Oo, ang mga pangyayari noong 70 C.E. ay matuwid na maituturing na ‘kapighatian gaya ng hindi pa nangyayari [sa lunsod, bansa, at sistemang iyon] mula nang pasimula ng sanlibutan, hindi, ni mangyayari pang muli.’​—Mateo 24:21.d

  • “Ano ang Magiging Tanda ng Iyong Pagkanaririto?”
    Ang Bantayan—1994 | Pebrero 15
    • d Ganito ang komento ng Britanong awtor na si Matthew Henry: “Ang pagwasak ng mga Caldeo sa Jerusalem ay totoong kakila-kilabot, subalit ito’y nakahihigit pa roon. Iyon ay nagbanta ng isang pansansinukob na pamamaslang sa lahat . . . ng mga Judio.”

  • “Ano ang Magiging Tanda ng Iyong Pagkanaririto?”
    Ang Bantayan—1994 | Pebrero 15
    • [Larawan sa pahina 10]

      Ang kapighatian noong 70 C.E. ang pinakamalaking naranasan kailanman ng Jerusalem at ng Judiong sistema

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share