Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Saan Kaya Masusumpungan ang Tunay na Kaligayahan?
    Ang Bantayan—1997 | Marso 15
    • Sa kaniyang Sermon sa Bundok, sinabi ni Jesu-Kristo: “Maligaya yaong mga palaisip sa kanilang espirituwal na pangangailangan, yamang ang kaharian ng mga langit ay sa kanila.” (Mateo 5:3) Sinabi rin ni Jesus: “Magbantay laban sa bawat uri ng kaimbutan, sapagkat kahit na may kasaganaan ang isang tao ang kaniyang buhay ay hindi resulta ng mga bagay na tinataglay niya.”​—Lucas 12:15.

  • Saan Kaya Masusumpungan ang Tunay na Kaligayahan?
    Ang Bantayan—1997 | Marso 15
    • Ang iba ay bumabaling sa sarili sa kanilang paghahanap ng kaligayahan sa pamamagitan ng pagsisikap na pag-ibayuhin ang pagpapahalaga sa kanilang sarili. Ang mga aklatan at mga tindahan ng mga aklat ay punung-puno ng mga aklat tungkol sa sariling-sikap, ngunit hindi nagdulot sa mga tao ng namamalaging kaligayahan ang gayong mga publikasyon. Kaya, saan natin, kung gayon, masusumpungan ang tunay na kaligayahan?

      Upang maging tunay na maligaya, dapat nating kilalanin ang ating likas na pangangailangang espirituwal. Sinabi ni Jesus: “Maligaya yaong mga palaisip sa kanilang espirituwal na pangangailangan.” Sabihin pa, hindi tayo makikinabang kung uunawain lamang ang pangangailangang ito at pagkatapos ay hindi naman gagawa ng anuman tungkol dito. Upang ilarawan: Ano ang mangyayari sa isang mananakbo sa isang marathon na pagkatapos ng takbuhan ay hindi uminom ng tubig na kailangan ng kaniyang katawan? Hindi ba siya matutuyuan ng tubig sa katawan at magkakaroon ng iba pang malulubhang pinsala? Gayundin naman, kung hindi natin sasapatan ang ating pangangailangan ukol sa espirituwal na pagkain, sa bandang huli ay manghihina tayo sa espirituwal. Hahantong ito sa kawalan ng kagalakan at kaligayahan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share