Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Dumating Nawa ang Iyong Kaharian”
    Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos!
    • 15, 16. Kanino tumutukoy ang “salinlahing ito”?

      15 Pero kailan naman darating ang Kaharian ng Diyos? Hindi sinabi ni Jesus ang eksaktong petsa. (Mat. 24:36) Gayunman, may sinabi siya na nagbibigay sa atin ng katiyakan na malapit na itong dumating. Sinabi ni Jesus na ang Kaharian ay darating kapag nakita ng “salinlahing ito” ang katuparan ng inihulang tanda. (Basahin ang Mateo 24:32-34.) Kanino tumutukoy ang “salinlahing ito”? Suriin nating mabuti ang sinabi ni Jesus.

      16 “Salinlahing ito.” Mga di-sumasampalataya ba ang tinutukoy ni Jesus? Hindi. Pansinin kung sino ang mga kausap niya. Sinabi ni Jesus ang hulang ito sa ilang apostol na “lumapit sa kaniya nang sarilinan.” (Mat. 24:3) Malapit nang pahiran noon ng banal na espiritu ang mga apostol. Pansinin din ang konteksto. Bago banggitin ni Jesus ang tungkol sa “salinlahing ito,” sinabi niya: “Ngayon ay matuto kayo ng puntong ito mula sa puno ng igos bilang ilustrasyon: Sa sandaling ang mga bagong sanga nito ay tumutubong murà at nagsisibol ito ng mga dahon, alam ninyo na malapit na ang tag-araw. Gayundin naman kayo, kapag nakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, alamin ninyo na siya ay malapit na at nasa mga pintuan na.” Ang mga pinahirang tagasunod ni Jesus​—hindi ang mga di-sumasampalataya—​ang makakakita sa katuparan ng inihulang tanda at makauunawa sa kahulugan nito, samakatuwid nga, na si Jesus ay “malapit na at nasa mga pintuan na.” Kaya nang banggitin ni Jesus ang tungkol sa “salinlahing ito,” ang tinutukoy niya ay ang kaniyang mga pinahirang tagasunod.

      SALINLAHI

      (Mat. 24:32-34)

      Sinabi ni Jesus na ang Kaharian ay darating kapag nakita ng “salinlahing ito” ang katuparan ng inihulang tanda (Tingnan ang parapo 17, 18)

      Chart tungkol sa “salinlahing ito“ na binanggit sa hula ni Jesus sa Mateo 24:32-34

      GRUPO 1: Mga pinahirang nakakita sa pasimula ng katuparan ng tanda noong 1914

      GRUPO 2: Mga pinahiran na naging kakontemporaryo ng unang grupo; may ilan sa grupong ito na makakakita sa malaking kapighatian

      17. Ano ang ibig sabihin ng mga pananalitang “salinlahi” at “lahat ng mga bagay na ito”?

      17 “Hindi lilipas sa anumang paraan hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay na ito.” Paano ito matutupad? Para masagot iyan, dalawang bagay ang dapat nating malaman: ang ibig sabihin ng “salinlahi” at ng “lahat ng mga bagay na ito.” Ang terminong “salinlahi” ay karaniwan nang tumutukoy sa mga taong may iba’t ibang edad na ang buhay ay nagpapang-abot sa isang partikular na yugto ng panahon. Ang isang salinlahi ay hindi napakahaba at mayroon itong hangganan. (Ex. 1:6) Ang pananalitang “lahat ng mga bagay na ito” ay tumutukoy naman sa lahat ng inihula ni Jesus na magaganap sa kaniyang pagkanaririto, mula 1914 hanggang sa pagtatapos nito sa “malaking kapighatian.”​—Mat. 24:21.

      18, 19. Ano kaya ang kahulugan ng sinabi ni Jesus tungkol sa “salinlahing ito”? Ano ang puwede nating maging konklusyon?

      18 Kung gayon, ano kaya ang kahulugan ng sinabi ni Jesus tungkol sa “salinlahing ito”? Ang salinlahi ay binubuo ng dalawang grupo ng mga pinahiran na nagpang-abot ang buhay​—ang una ay ang mga pinahiran na nakakita sa pasimula ng katuparan ng tanda noong 1914 at ang ikalawa ay ang mga pinahiran na sa loob ng ilang panahon ay naging kakontemporaryo ng unang grupo. May ilan na kabilang sa ikalawang grupo na makakakita sa pasimula ng malaking kapighatian. Ang dalawang grupong ito ay masasabing isang salinlahi dahil ang buhay nila bilang pinahirang mga Kristiyano ay nagpang-abot sa loob ng ilang panahon.c

      19 Ano ang puwede nating maging konklusyon? Kitang-kita na ngayon sa buong daigdig ang tanda ng pagkanaririto ni Jesus bilang Hari. Tumatanda na rin ang mga pinahirang kabilang sa “salinlahing ito”; pero masasaksihan ng ilan sa kanila ang pasimula ng malaking kapighatian. Kaya masasabing talagang malapit nang dumating ang Kaharian ng Diyos at mamamahala na ito sa buong lupa! Kapana-panabik ngang makita ang katuparan ng panalanging itinuro ni Jesus: “Dumating nawa ang iyong kaharian”!

  • “Dumating Nawa ang Iyong Kaharian”
    Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos!
Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share