-
Tapat at Maingat na AlipinKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Nang sagutin ni Jesu-Kristo ang katanungan ng mga apostol may kinalaman sa kaniyang pagkanaririto sa hinaharap at sa katapusan ng umiiral na sistema ng mga bagay, bumanggit siya ng isang talinghaga, o ilustrasyon, tungkol sa isang “tapat at maingat na alipin.” Inatasan ng panginoon ang tapat na aliping iyon sa kaniyang mga lingkod ng sambahayan upang paglaanan sila ng kanilang pagkain. Kung sasang-ayunan siya ng kaniyang panginoon sa pagdating nito (maliwanag na mula sa isang paglalakbay), gagantimpalaan ang alipin sa pamamagitan ng pag-aatas sa kaniya sa lahat ng mga pag-aari ng panginoon.—Mat 24:3, 45-51.
-
-
Tapat at Maingat na AlipinKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ang mga lingkod ng sambahayan ay ang lahat ng kabilang sa kongregasyong Kristiyano, kapuwa ang mga pinahiran at ang “ibang mga tupa,” na binibigyan ng espirituwal na pagkain. (Ju 10:16) Kasama rito ang mga indibiduwal na miyembro na bumubuo sa “tapat at maingat na alipin” dahil tumatanggap din sila ng ipinamamahaging pagkain. Ang mga bumubuo sa tapat na alipin ay tatanggap ng higit na responsibilidad kung madatnan silang tapat sa ipinangakong pagdating ng panginoon. Kapag tinanggap na nila ang gantimpala nila sa langit at naging tagapahamala na sila kasama ni Kristo, aatasan niya sila “sa lahat ng kaniyang mga pag-aari.” Kasama ang lahat ng iba pa sa 144,000, makikibahagi sila sa napakalaking awtoridad ni Kristo sa langit.—Mat 24:46, 47; Luc 12:43, 44.
-