Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Aral sa Pagiging Mapagbantay—Ang mga Dalaga
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
    • Sinagot ni Jesus ang tanong ng mga apostol tungkol sa tanda ng kaniyang presensiya at ng katapusan ng sistemang ito. May kinalaman dito, nagbigay siya ngayon ng magandang payo sa pamamagitan ng isa pang ilustrasyon. Ang katuparan nito ay makikita ng mga taong mabubuhay sa panahon ng presensiya ni Jesus.

      Ganito niya sinimulan ang ilustrasyon: “Ang Kaharian ng langit ay gaya ng 10 dalaga na nagdala ng kanilang lampara at lumabas para salubungin ang lalaking ikakasal. Ang lima sa kanila ay mangmang, at ang lima ay matalino.”—Mateo 25:1, 2.

      Hindi ibig sabihin ni Jesus na kalahati sa kaniyang mga alagad na magmamana ng Kaharian ng langit ay mangmang at ang kalahati ay matalino. Sa halip, gusto niyang idiin na may kinalaman sa Kaharian, nasa pagpapasiya ng bawat alagad kung magiging mapagbantay sila o hindi. Pero tiwala si Jesus na lahat ng kaniyang lingkod ay mananatiling tapat at makatatanggap ng pagpapala ng kaniyang Ama.

      Sa ilustrasyon, lumabas ang 10 dalaga para salubungin ang lalaking ikakasal at sumama sa prusisyon ng kasal. Kapag dumating ang lalaking ikakasal, iilawan ng mga dalaga ang daraanan niya gamit ang lampara nila, na pinararangalan siya habang dinadala niya ang kaniyang magiging asawa sa bahay na inihanda niya. Pero ano ang nangyari?

  • Aral sa Pagiging Mapagbantay—Ang mga Dalaga
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
    • Malinaw sa mga apostol na kay Jesus tumutukoy ang lalaking ikakasal. Tinukoy na dati ni Jesus ang kaniyang sarili bilang lalaking ikakasal. (Lucas 5:34, 35) Kanino naman tumutukoy ang matatalinong dalaga? Tungkol sa “munting kawan,” na magmamana ng Kaharian, sinabi ni Jesus: “Magbihis kayo at maging handa, at sindihan ninyo ang inyong mga lampara.” (Lucas 12:32, 35) Mauunawaan ng mga apostol na sa mga tulad nila tumutukoy ang mga dalaga. Kaya ano ang gustong itawid ni Jesus sa ilustrasyong ito?

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share