Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Patuloy Ka Bang Magbabantay?
    Ang Bantayan—2015 | Marso 15
    • 9. (a) Paano nagbabala si Jesus tungkol sa tendensiya na antukin ang isa? (b) Paano tumutugon ang mga pinahiran sa sigaw: “Narito na ang kasintahang lalaki”? (Tingnan din ang talababa.)

      9 Ang ikalawang katangiang nakatulong sa maiingat na dalaga ay ang pagiging mapagbantay. Posible bang antukin ang isang pinahirang Kristiyano habang naghihintay sa pagdating ni Kristo? Oo. Pansinin na sinabi ni Jesus na ang 10 dalaga ay “inantok at nakatulog” noong waring naaantala ang kasintahang lalaki. Alam na alam ni Jesus na kahit ang espiritu ay sabik, maaari pa ring madaig ang isang tao ng kahinaan ng laman. Kaya naman ang tapat na mga pinahiran ay lalong nagsikap na manatiling mapagbantay. Sa talinghaga, ang lahat ng dalaga ay tumugon sa sigaw noong kalagitnaan ng gabi: “Narito na ang kasintahang lalaki!” Pero ang maiingat na dalaga lang ang nanatiling handa. (Mat. 25:5, 6; 26:41) Kumusta naman ang tapat na mga pinahiran ngayon? Sa mga huling araw, tumutugon sila sa malinaw na mga katibayan na waring sumisigaw, “Narito na ang kasintahang lalaki”—paparating na. Nagbabata rin sila at laging handa sa pagdating ng Kasintahang Lalaki.a Gayunman, ang huling bahagi ng talinghaga ay nakapokus sa isang mas espesipikong yugto ng panahon. Paano?

  • Patuloy Ka Bang Magbabantay?
    Ang Bantayan—2015 | Marso 15
    • a Sa talinghaga, malinaw na may pagitan ang pagsigaw ng “Narito na ang kasintahang lalaki!” (talata 6) at ang mismong pagdating nito (talata 10). Sa mga huling araw, naunawaan ng mapagbantay na mga pinahiran ang tanda ng pagkanaririto ni Jesus. Kaya alam nila na siya ay “narito na”—namamahala na sa Kaharian ng Diyos. Pero kailangan pa rin nilang patuloy na magbantay hanggang sa mismong pagdating niya.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share