Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Pantas at ang Mangmang na mga Dalaga
    Ang Bantayan—1990 | Abril 15
    • Ang matagal na pagkabalam ng nobyo ay nagpapakita na ang pagkanaririto ni Kristo bilang nagpupunong Hari ay sa malayong hinaharap pa. Sa wakas ay lumuklok na siya sa kaniyang trono noong taóng 1914. Sa panahon ng mahabang gabi bago nito, lahat ng dalaga ay nakatulog. Ngunit sila’y hindi pinagwikaan dahil dito. Ang pagkawika sa mga dalagang mangmang ay dahil sa sila’y walang langis para sa kanilang mga sisidlan. Ipinaliliwanag ni Jesus kung papaanong nagising ang mga dalaga bago dumating ang nobyo:

      “Sa hatinggabi ay may sumigaw, ‘Narito na ang nobyo! Magsilabas kayo upang salubungin siya.’ Saka lamang nagsibangon ang lahat ng dalagang iyon at inareglo ang kanilang mga ilawan. Sinabi ng mga mangmang sa matatalino, ‘Bigyan ninyo kami ng kaunting langis, sapagkat mamamatay na ang aming mga ilawan.’ Sumagot ang matatalino, ‘Baka hindi magkasya ito sa amin at sa inyo. Magsiparoon muna kayo sa nagbibili at magsibili kayo para sa inyo.’ ”

  • Ang Pantas at ang Mangmang na mga Dalaga
    Ang Bantayan—1990 | Abril 15
    • Pagkatapos na dumating si Kristo sa kaniyang makalangit na Kaharian, ang uring matatalinong dalaga ng tunay na pinahirang mga Kristiyano ay nagising sa kanilang pribilehiyo na magpasikat ng liwanag sa madilim na sanlibutang ito bilang pagpuri sa bumalik na Nobyo. Ngunit yaong mga inilarawan ng mga dalagang mangmang ay hindi handa na magbigay nitong papuring pagtanggap. Kaya nang dumating ang panahon, hindi binuksan sa kanila ni Kristo ang pintuan sa piging ng kasalan sa langit. Kaniyang pinabayaang sila’y nasa labas sa kadiliman ng pinakamadilim na gabi ng sanlibutan, upang pumanaw na kasama ng lahat ng mga manggagawa ng katampalasanan. “Manatili nga kayong nagbabantay,” ang pagwawakas na sabi ni Jesus, “sapagkat hindi ninyo nalalaman ang araw ni ang oras.” Mateo 25:1-13.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share