-
“Hindi Ninyo Alam ang Araw Ni ang Oras”Ang Bantayan—2012 | Setyembre 15
-
-
“Patuloy kayong magbantay, kung gayon, sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras.”—MAT. 25:13.
-
-
“Hindi Ninyo Alam ang Araw Ni ang Oras”Ang Bantayan—2012 | Setyembre 15
-
-
1-3. (a) Anong mga sitwasyon ang tutulong sa atin na maunawaan ang aral sa dalawang talinghaga ni Jesus? (b) Anong mga tanong ang sasagutin natin?
IPAGPALAGAY mong hinilingan ka ng isang kilaláng opisyal na ipagmaneho siya papunta sa isang mahalagang appointment. Pero ilang minuto bago mo siya sunduin, nalaman mong di-sapat ang gas ng sasakyan mo. Kaya nagmadali kang magpagasolina. Dumating siya sa tagpuan, pero hindi ka niya nakita. At dahil nagmamadali siya, nagpahatid siya sa iba. Pagdating mo, nalaman mong nakaalis na siya. Ano ang madarama mo?
2 Ipagpalagay mo naman na ikaw ang opisyal. Pumili ka ng tatlong tao na aatasan mo sa isang mahalagang gawain. Ipinaliwanag mo ito sa kanila, at tinanggap nila ito. Pero pagbalik mo nang maglaon, nalaman mong dalawa lang sa kanila ang gumawa ng iniatas mo. Ang masaklap pa, nagdadahilan ang isa na hindi gumanap ng kaniyang atas. Ang totoo, ni hindi man lang niya sinubukang gawin ang ipinagagawa mo sa kaniya. Ano ang madarama mo?
3 Sa kaniyang mga talinghaga tungkol sa mga dalaga at tungkol sa mga talento, gumamit si Jesus ng katulad na mga sitwasyon para ipakita kung bakit sa panahon ng kawakasan, may mga pinahirang Kristiyano na magiging tapat at maingat pero may ilan na hindi.a (Mat. 25:1-30) Idiniin niya ang aral sa mga talinghagang ito sa pagsasabi: “Patuloy kayong magbantay, kung gayon, sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras”—samakatuwid nga, kung kailan aktuwal na pupuksain ni Jesus ang sanlibutan ni Satanas. (Mat. 25:13) Maikakapit din natin ang payong iyan sa ngayon. Paano tayo makikinabang sa patuloy na pagbabantay, gaya ng ipinayo ni Jesus? Sino ang mga napatunayang handa para sa kaligtasan? At ano ang magagawa natin ngayon para patuloy tayong makapagbantay?
-