-
Matuto sa Ilustrasyon Tungkol sa mga TalentoAng Bantayan—2015 | Marso 15
-
-
4, 5. Kanino lumalarawan ang tao, o ang panginoon? Ano ang katumbas ng isang talento?
4 Basahin ang Mateo 25:14-30. Matagal nang ipinaliliwanag sa ating mga publikasyon na ang tao, o ang panginoon, sa ilustrasyon ay si Jesus at na naglakbay siya sa ibang bayan nang umakyat siya sa langit noong 33 C.E. Sa isang katulad na talinghaga, isiniwalat ni Jesus na naglakbay siya “upang makakuha ng makaharing kapangyarihan para sa kaniyang sarili.” (Luc. 19:12) Pero hindi agad naging Hari si Jesus nang bumalik siya sa langit.b Sa halip, “umupo [siya] sa kanan ng Diyos, [at] mula noon ay naghihintay hanggang sa mailagay ang kaniyang mga kaaway bilang tuntungan para sa kaniyang mga paa.”—Heb. 10:12, 13.
-
-
Matuto sa Ilustrasyon Tungkol sa mga TalentoAng Bantayan—2015 | Marso 15
-
-
d Pagkamatay ng mga apostol, lumaganap ang apostasya sa loob ng maraming siglo. Sa panahong iyon, walang gaanong pagsisikap para tuparin ang utos na gumawa ng mga tunay na alagad ni Kristo. Pero magbabago ito sa panahon ng “pag-aani,” o sa mga huling araw. (Mat. 13:24-30, 36-43) Tingnan ang Bantayan, Hulyo 15, 2013, pahina 9-12.
-
-
Matuto sa Ilustrasyon Tungkol sa mga TalentoAng Bantayan—2015 | Marso 15
-
-
8. Kahit magkakaiba ang dami ng talento na tinanggap ng bawat alipin, ano ang inaasahan ng panginoon?
8 Ipinakikita sa talinghaga na limang talento ang ibinigay ng panginoon sa isang alipin, dalawa naman sa isang alipin, at isa sa isa pang alipin. (Mat. 25:15) Kahit magkakaiba ang dami ng talento na tinanggap ng bawat alipin, inaasahan ng panginoon na magiging masikap sila sa paggamit ng mga ito, ibig sabihin, gagawin nila ang kanilang buong makakaya sa paglilingkod sa ministeryo. (Mat. 22:37; Col. 3:23) Noong Pentecostes 33 C.E., sinimulang ipangalakal ng mga tagasunod ni Kristo ang mga talento. Ang kanilang masikap na pangangaral at paggawa ng mga alagad ay malinaw na iniulat sa aklat ng Mga Gawa.d—Gawa 6:7; 12:24; 19:20.
IPINANGANGALAKAL ANG MGA TALENTO SA PANAHON NG KAWAKASAN
9. (a) Ano ang ginawa ng dalawang tapat na alipin sa mga talento, at ano ang ipinahihiwatig nito? (b) Anong papel ang ginagampanan ng “ibang mga tupa”?
9 Sa panahon ng kawakasan, lalo na mula noong 1919, patuloy na ipinangangalakal ng tapat na mga pinahirang alipin ni Kristo sa lupa ang mga talento ng Panginoon. Gaya ng dalawang alipin, ginawa ng mga pinahiran ang kanilang buong makakaya sa gawaing pangangaral. Hindi na kailangang tukuyin kung sino ang tumanggap ng limang talento at kung sino ang tumanggap ng dalawa. Sa ilustrasyon, parehong dinoble ng dalawang alipin ang ibinigay sa kanila ng panginoon, kaya ibig sabihin, pareho silang nagsikap. Anong papel naman ang ginagampanan ng mga may makalupang pag-asa? Isang mahalagang papel! Ipinakikita ng ilustrasyon ni Jesus tungkol sa mga tupa at mga kambing na pribilehiyo nilang tapat na suportahan ang mga pinahirang kapatid ni Jesus sa gawaing pangangaral at pagtuturo. Sa mga huling araw, ang dalawang grupong ito ay nagtutulungan bilang “isang kawan” sa masigasig na paggawa ng mga alagad.—Juan 10:16.
10. Ano ang isang kapansin-pansing bahagi ng tanda ng pagkanaririto ni Jesus?
10 Makatuwirang umasa ang Panginoon sa magandang resulta. Gaya ng nabanggit na, talagang napalago ng kaniyang tapat na mga alagad noong unang siglo ang kaniyang mga pag-aari. Kumusta naman sa panahong ito ng kawakasan kung kailan natutupad ang talinghaga tungkol sa mga talento? Isinasagawa ng tapat at masisipag na lingkod ni Jesus ang pinakamalawak na pangangaral at paggawa ng mga alagad sa buong kasaysayan. Dahil sa mga pagsisikap nila, libo-libong bagong alagad taon-taon ang nadaragdag sa hanay ng mga tagapaghayag ng Kaharian. Kaya ang gawaing pangangaral at pagtuturo ay naging kapansin-pansing bahagi ng tanda ng pagkanaririto ni Jesus bilang Hari sa Kaharian ng Diyos. Tiyak na tuwang-tuwa ang kanilang Panginoon!
Ipinagkatiwala ni Kristo sa kaniyang mga lingkod ang mahalagang pananagutan na mangaral (Tingnan ang parapo 10)
-