Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ‘Ang Tapat na Alipin’ at ang Lupong Tagapamahala Nito
    Ang Bantayan—1990 | Marso 15
    • 13 Sa isang kahawig na ilustrasyon, ang talinghaga ng mga talento, sinabi ni Jesus na pagkatapos ng mahabang panahon, ang panginoon ay dumating upang makipagtuos sa kaniyang mga alipin. Sa mga aliping napatunayang tapat, sinabi ng panginoon: “Nagtapat ka sa kakaunting bagay. Pamamahalain kita sa maraming bagay. Pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon.” Ngunit sa di-tapat na alipin, sinabi niya: “Maging yaon mang nasa kaniya ay babawiin sa kaniya. At ang walang-kabuluhang alipin ay ihahagis sa kadiliman sa labas.”​—Mateo 25:21-23, 29, 30.

      14. Ano ang inaasahan noon ni Jesus sa kaniyang pinahiran-ng-espiritung mga alipin?

      14 Pagkalipas ng mahabang panahon​—halos 19 na siglo​—​si Kristo ay binigyan ng kapangyarihang maghari noong 1914, nang matapos “ang itinakdang mga panahon sa mga bansa.” (Lucas 21:24) Hindi nalaunan pagkatapos, siya’y “dumating at nakipagtuos” sa kaniyang mga alipin, ang pinahiran-ng-espiritung mga Kristiyano. (Mateo 25:19) Ano ba ang inaasahan noon ni Jesus sa kanila bilang mga indibiduwal at bilang sama-sama? Ang atas sa katiwala ay nagpatuloy gaya ng ibinigay sa kaniya sapol noong unang siglo. Si Kristo ay nagkatiwala ng mga talento sa mga indibiduwal​—“sa bawat isa’y ayon sa kaniyang kaya.” Kung gayon, si Jesus ay umaasa ng resulta ayon sa kani-kaniyang kaya. (Mateo 25:15) Kapit dito ang alituntunin sa 1 Corinto 4:2, na nagsasabi: “Ang hinahanap sa mga katiwala ay ang masumpungang tapat ang isang tao.” Ang pagsasama-sama sa mga talento sa paggawa ay nangangahulugan ng may katapatang pagiging mga embahador ng Diyos, na gumagawa ng mga alagad at ipinamamahagi sa kanila ang espirituwal na katotohanan.​—2 Corinto 5:20.

  • ‘Ang Tapat na Alipin’ at ang Lupong Tagapamahala Nito
    Ang Bantayan—1990 | Marso 15
    • 21. (a) Sino ang nadatnan ni Kristo na namamahagi ng espirituwal na pagkain, at papaano niya ginantimpalaan sila? (b) Ano ang naghihintay noon sa tapat na alipin at sa Lupong Tagapamahala nito?

      21 Noong 1918, nang siyasatin ni Jesu-Kristo ang mga nag-aangking kaniyang mga alipin, kaniyang nadatnan ang isang internasyonal na grupo ng mga Kristiyanong namamahagi ng mga katotohanan ng Bibliya para gamitin kapuwa sa loob ng kongregasyon at sa labas sa gawaing pangangaral. Noong 1919 tunay na natupad ang inihula ni Kristo: “Maligaya ang aliping iyon kung pagdating ng kaniyang Panginoon ay maratnan siyang ganoon ang kaniyang ginagawa. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kaniyang hihirangin siya na mangasiwa sa lahat ng kaniyang ari-arian.” (Mateo 24:46, 47) Ang mga tunay na Kristiyanong ito ay pumasok sa kagalakan ng kanilang Panginoon. Palibhasa’y ipinakita nilang sila’y ‘tapat sa kakaunting bagay,’ sila’y inilagay ng Panginoon upang ‘mamahala sa maraming bagay.’ (Mateo 25:21) Ang tapat na alipin at ang Lupong Tagapamahala nito ay nasa kanilang dako, handa para sa isang pinalawak na atas. Anong laki ng ating kagalakan at nagkagayon nga, sapagkat ang tapat na mga Kristiyano ay saganang nakikinabang buhat sa matapat na gawain ng tapat na alipin at ng Lupong Tagapamahala nito!

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share