-
Matuto sa Ilustrasyon Tungkol sa mga TalentoAng Bantayan—2015 | Marso 15
-
-
BALAKYOT AT MAKUPAD NA ALIPIN
14, 15. Ipinahihiwatig ba ni Jesus na marami sa mga pinahirang kapatid niya ang magiging balakyot at makupad? Ipaliwanag.
14 Sa talinghaga, ang talento ng isang alipin ay hindi niya ipinangalakal o inilagak sa mga bangkero. Sa halip, ibinaon niya ito sa lupa. Kaya sinabi ng panginoon na ang aliping iyon ay “balakyot at makupad.” Kinuha sa kaniya ng panginoon ang talento at ibinigay sa alipin na may 10 talento. Pagkatapos, ang balakyot na alipin ay itinapon “sa kadiliman sa labas.” At “doon mangyayari ang kaniyang pagtangis at ang pagngangalit ng kaniyang mga ngipin.”—Mat. 25:24-30; Luc. 19:22, 23.
15 Itinago ng isa sa tatlong alipin ng panginoon ang kaniyang talento, kaya ipinahihiwatig ba ni Jesus na sangkatlo ng kaniyang mga pinahirang tagasunod ang magiging balakyot at makupad? Hindi. Isaalang-alang ang konteksto. Sa ilustrasyon tungkol sa tapat at maingat na alipin, binanggit ni Jesus ang isang masamang alipin na nambugbog ng kaniyang mga kapuwa alipin. Hindi sinasabi ni Jesus na magkakaroon ng uring masamang alipin. Sa halip, binababalaan niya ang tapat na alipin na huwag maging gaya ng masamang alipin. Sa katulad na paraan, sa ilustrasyon tungkol sa 10 dalaga, hindi ipinahihiwatig ni Jesus na kalahati sa kaniyang mga pinahirang tagasunod ang magiging gaya ng 5 mangmang na dalaga. Sa halip, binababalaan niya ang kaniyang espirituwal na mga kapatid sa maaaring mangyari kung hindi sila mananatiling mapagbantay at magiging handa.f Batay sa kontekstong ito, waring makatuwirang isipin na sa ilustrasyon tungkol sa mga talento, hindi sinasabi ni Jesus na marami sa kaniyang mga pinahirang kapatid sa mga huling araw ang magiging balakyot at makupad. Sa halip, binababalaan ni Jesus ang kaniyang mga pinahirang tagasunod na kailangan nilang manatiling masikap—‘ipangalakal’ ang kanilang talento—at iwasan ang saloobin at paggawi ng balakyot na alipin.—Mat. 25:16.
-