Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ano ang Magiging Katayuan Ninyo sa Harap ng Luklukan ng Paghatol?
    Ang Bantayan—1995 | Oktubre 15
    • 21 Subalit kumusta kaya ang mga tao sa mga bansang iyon kapag dumating ang Anak ng tao sa kaniyang kaluwalhatian? Alamin natin buhat sa talinghaga ng mga tupa at mga kambing, na nagsisimula sa mga salitang: “Kapag ang Anak ng tao ay dumating sa kaniyang kaluwalhatian, at ang lahat ng mga anghel na kasama niya, kung magkagayon siya ay uupo sa kaniyang maluwalhating trono. At ang lahat ng mga bansa ay titipunin sa harap niya.”​—Mateo 25:31, 32.

      22, 23. Anong mga punto ang nagpapakita na ang katuparan ng talinghaga ng mga tupa at mga kambing ay hindi nagpasimula noong 1914?

      22 Kumakapit ba ang talinghagang ito nang umupo si Jesus sa maharlikang kapangyarihan noong 1914, gaya nang matagal na nating pagkaunawa? Buweno, bumabanggit ang Mateo 25:34 tungkol sa kaniya bilang Hari, kaya makatuwiran na ang talinghaga ay may katuparan sapol nang si Jesus ay maging Hari noong 1914. Subalit anong paghatol ang ginawa niya kaagad buhat noon? Hindi iyon ang paghatol sa “lahat ng mga bansa.” Sa halip, ibinaling niya ang kaniyang pansin sa mga nag-aangking bumubuo ng “bahay ng Diyos.” (1 Pedro 4:17) Kasuwato ng Malakias 3:1-3, si Jesus, bilang mensahero ni Jehova, ay nagsagawa ng hudisyal na pagsisiyasat sa pinahirang mga Kristiyano na nalalabi sa lupa. Iyon ay panahon din para sa hudisyal na paghatol sa Sangkakristiyanuhan, na huwad na nag-aangking “bahay ng Diyos.”c (Apocalipsis 17:1, 2; 18:4-8) Gayunma’y walang anumang ipinahihiwatig na noong panahong iyon, o mula noon, si Jesus ay umupo upang sa wakas ay hatulan ang mga tao sa lahat ng mga bansa bilang mga tupa o mga kambing.

      23 Kung susuriin natin ang gawain ni Jesus sa talinghaga, makikita natin siya na sa wakas ay humahatol sa lahat ng mga bansa. Hindi ipinakikita ng talinghaga na ang gayong paghatol ay magpapatuloy sa isang mahabang yugto ng maraming taon, na waring bawat taong namamatay nitong nakaraang mga dekada ay hinatulang karapat-dapat sa walang-hanggang kamatayan o walang-hanggang buhay. Lumilitaw na ang karamihan ng namatay sa nakaraang mga dekada ay nagtungo sa karaniwang libingan ng sangkatauhan. (Apocalipsis 6:8; 20:13) Subalit inilalarawan ng talinghaga ang panahon na hinahatulan ni Jesus ang mga tao ng “lahat ng mga bansa” na noo’y nabubuhay at nakaharap sa paglalapat ng kaniyang hudisyal na hatol.

  • Ano ang Kinabukasan sa mga Tupa at mga Kambing?
    Ang Bantayan—1995 | Oktubre 15
    • “Pagbubukud-bukurin niya ang mga tao mula sa isa’t isa, kung paanong pinagbubukud-bukod ng pastol ang mga tupa mula sa mga kambing.”​—MATEO 25:32.

  • Ano ang Kinabukasan sa mga Tupa at mga Kambing?
    Ang Bantayan—1995 | Oktubre 15
    • 3. Sa unang bahagi ng kaniyang diskurso, ano ang sinabi ni Jesus na mangyayari kaagad-agad pagkatapos na magsimula ang malaking kapighatian?

      3 Inihula ni Jesus ang kapansin-pansing mga pangyayari na magaganap “kaagad-agad pagkatapos” na sumiklab ang malaking kapighatian, mga pangyayaring hinihintay natin. Sinabi niya na kung magkagayon “ang tanda ng Anak ng tao” ay lilitaw. Ito ay lubhang makaaapekto sa “lahat ng mga tribo sa lupa” na “makikita . . . ang Anak ng tao na dumarating na nasa mga ulap sa langit taglay ang kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.” Kasama ng Anak ng tao ang “kaniyang mga anghel.” (Mateo 24:21, 29-31)a Kumusta naman ang talinghaga ng mga tupa at mga kambing? Nasa Mat kabanata 25 iyon sa modernong mga Bibliya, ngunit bahagi iyon ng sagot ni Jesus, na nagbibigay ng higit pang detalye tungkol sa pagparito niya sa kaluwalhatian at nagtutuon ng pansin sa kaniyang paghatol sa “lahat ng mga bansa.”​—Mateo 25:32.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share