Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ano ang Kinabukasan sa mga Tupa at mga Kambing?
    Ang Bantayan—1995 | Oktubre 15
    • 7, 8. Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa mga tupa, kaya ano ang mahihinuha natin tungkol sa kanila?

      7 Ganito ang mababasa natin hinggil sa paghatol sa mga tupa: “Sasabihin [ni Jesus] doon sa mga nasa kanan niya, ‘Halikayo, kayo na mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang inihanda para sa inyo mula sa pagkakatatag ng sanlibutan. Sapagkat ako ay nagutom at binigyan ninyo ako ng makakain; ako ay nauhaw at binigyan ninyo ako ng maiinom. Ako ay naging estranghero at mapagpatuloy ninyo akong tinanggap; hubad, at dinamtan ninyo ako. Ako ay nagkasakit at inalagaan ninyo ako. Ako ay nasa bilangguan at pinuntahan ninyo ako.’ Kung magkagayon ang mga matuwid ay sasagot sa kaniya sa mga salitang, ‘Panginoon, kailan ka namin nakitang gutom at pinakain ka, o uhaw, at binigyan ka ng maiinom? Kailan ka namin nakitang estranghero at mapagpatuloy kang tinanggap, o hubad, at dinamtan ka? Kailan ka namin nakitang may-sakit o nasa bilangguan at pinaroonan ka?’ At bilang tugon ay sasabihin ng hari sa kanila, ‘Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung paanong ginawa ninyo iyon sa isa sa pinakamababa sa mga ito na aking mga kapatid, ay ginawa ninyo iyon sa akin.’ ”​—Mateo 25:34-40.

  • Ano ang Kinabukasan sa mga Tupa at mga Kambing?
    Ang Bantayan—1995 | Oktubre 15
    • 10, 11. (a) Bakit di-makatuwirang isipin na kasali sa mga tupa ang lahat ng gumagawa ng kabaitan sa mga kapatid ni Jesus? (b) Sino ang angkop na inilalarawan ng mga tupa?

      10 Ang ibig bang sabihin ni Jesus ay na ang lahat ng gumagawa ng bahagyang kabaitan sa isa sa kaniyang mga kapatid, tulad ng pagbibigay ng isang piraso ng tinapay o isang baso ng tubig, ay kuwalipikado nang maging isa sa mga tupang ito? Ipagpalagay nang sa paggawa ng gayong mga pabor ay masasalamin ang kabaitan ng tao, pero ang totoo, waring higit pa ang nasasangkot sa mga tupa sa talinghagang ito. Halimbawa, tiyak na hindi tinutukoy ni Jesus ang mga ateista o mga klerigo na nagkataong gumagawa ng kabaitan sa isa sa kaniyang mga kapatid. Sa kabaligtaran, dalawang ulit na tinawag ni Jesus ang mga tupa na “mga matuwid.” (Mateo 25:37, 46) Kaya ang mga tupa ay tiyak na yaong sa loob ng isang yugto ng panahon ay tumutulong​—aktibong sumusuporta​—sa mga kapatid ni Kristo at nagsagawa ng pananampalataya hanggang sa punto na sila’y magtamo ng matuwid na katayuan sa harap ng Diyos.

      11 Sa mga nakalipas na siglo, maraming tulad ni Abraham ang nagtamasa ng isang matuwid na katayuan. (Santiago 2:21-23) Sina Noe, Abraham, at iba pang tapat ay kabilang sa “ibang mga tupa” na magmamana ng buhay sa Paraiso sa ilalim ng Kaharian ng Diyos. Kamakailan ay milyun-milyon pa ang nagtaguyod ng tunay na pagsamba bilang mga ibang tupa at naging “isang kawan” kasama ng mga pinahiran. (Juan 10:16; Apocalipsis 7:9) Ang mga ito na may makalupang pag-asa ay kumikilala sa mga kapatid ni Jesus bilang mga embahador ng Kaharian at sa gayo’y tinulungan sila​—sa literal at espirituwal na paraan. Ang ginagawa ng mga ibang tupa para sa kaniyang mga kapatid sa lupa ay itinuturing ni Jesus na ginawa na rin sa kaniya. Ang gayong mga tao na nabubuhay kapag siya’y dumating upang hatulan ang mga bansa ay hahatulan bilang mga tupa.

      12. Bakit maitatanong ng mga tupa kung papaano sila gumawa ng kabaitan kay Jesus?

      12 Kung ang mga ibang tupa ay nangangaral ngayon ng mabuting balita kasama ng mga pinahiran at tinutulungan sila, bakit nila itatanong: “Panginoon, kailan ka namin nakitang gutom at pinakain ka, o uhaw, at binigyan ka ng maiinom?” (Mateo 25:37) Maaaring may iba’t ibang dahilan. Ito ay isang talinghaga. Sa pamamagitan nito, ipinamamalas ni Jesus ang kaniyang taimtim na pagmamalasakit sa kaniyang espirituwal na mga kapatid; nadarama niya ang nadarama nila, nagdurusa siya kasama nila. Nauna rito ay sinabi ni Jesus: “Siya na tumatanggap sa inyo ay tumatanggap din sa akin, at siya na tumatanggap sa akin ay tumatanggap din sa kaniya na nagsugo sa akin.” (Mateo 10:40) Sa ilustrasyong ito, pinalalawak ni Jesus ang simulain, anupat ipinakikita na anuman ang ginawa (mabuti o masama) sa kaniyang mga kapatid ay umaabot maging sa langit; na para bang iyon ay ginawa sa kaniya sa langit. Gayundin, idiniriin dito ni Jesus ang pamantayan ni Jehova sa paghatol, anupat nililiwanag na ang paghatol ng Diyos, maging iyon man ay pagsang-ayon o pagsumpa, ay may saligan at makatarungan. Hindi maaaring idahilan ng mga kambing na, ‘Buweno, kung sana’y nakita ka namin nang tuwiran.’

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share