Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pananatiling Organisado Para sa Kaligtasan sa Milenyo
    Ang Bantayan—1989 | Setyembre 1
    • 8. Sa katapusan ng kaniyang hula tungkol sa kaniyang pagkanaririto, anong ilustrasyon ang ibinigay ni Jesus, at papaanong ang petsang Hunyo 1, 1935, ay mahalaga tungkol sa pag-unawa roon?

      8 Sang-ayon sa Ebanghelyo ni Mateo, sa isang ilustrasyon tinapos ni Jesus ang kaniyang hula tungkol sa tanda ng kaniyang pagkanaririto. Samantalang karaniwang tinatawag na ang talinghaga ng mga tupa at mga kambing, ito’y kumakapit ngayon, sa panahon ng katapusan ng sistemang ito ng mga bagay, na nagsimula nang matapos ang mga Panahong Gentil noong 1914. (Mateo 25:31-46) Ang petsang Sabado, Hunyo 1, 1935, ay mahalaga sa pag-unawa tungkol sa kung sino ang mga tupa sa talinghagang ito bilang mga miyembro ng malaking pulutong. Sa araw na iyan, sa isang kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova sa Washington, D.C., 840 katao ang nabautismuhan bilang sagisag ng kanilang pag-aalay sa Diyos na Jehova sa pamamagitan ni Jesu-Kristo. Ang karamihan sa mga ito ay gumawa ng hakbang na ito bilang dagliang pagtugon sa isang pahayag tungkol sa Apocalipsis 7:9-17 na binigkas ni J. F. Rutherford. Naging hangarin nila na maging bahagi ng malaking pulutong ng mga ibang tupa ng Mabuting Pastol, na may pagkakataong makaligtas nang buháy sa dumarating na malaking kapighatian at makatawid nang buháy sa wakas ng sistemang ito at patuloy na mabuhay sa panahon ng Milenaryong Paghahari ng Pastol-Hari, si Jesu-Kristo. Sa wakas, sila’y nagkakamit ng walang-hanggang buhay sa isang lupang paraiso.​—Mateo 25:46; Lucas 23:43.

      9. Bakit ang mga tupa ay inaanyayahan na kanilang manahin “ang kaharian na inihanda para sa [kanila],” at papaano sila nasa pinakamagaling na kalagayang gumawa nang mabuti sa mga kapatid ng Hari?

      9 Bakit ang mga tulad-tupang ito ay inaanyayahan na “manahin ang kaharian na inihanda para sa [kanila] buhat sa pagkatatag ng sanlibutan”? Sinasabi sa kanila ng Hari na ang dahilan ay sapagkat ginawan nila nang mabuti ang kaniyang “mga kapatid,” at sa ganoo’y sa kaniya nila ginawa iyon. Sa pananalitang “mga kapatid,” ang tinutukoy ng Hari ay ang nalabi ng kaniyang espirituwal na mga kapatid na naririto pa sa lupa sa katapusang ito ng sistema ng mga bagay. Ngayong kaisang kawan sila ng mga kapatid na ito ng Pastol-Hari, si Jesu-Kristo, sila’y magpapatuloy sa posibleng pinakamatalik na pakikisama sa nalabi ng gayong mga kapatid at sa ganoo’y nasa pinakamagaling na kalagayang gumawa nang mabuti sa kanila. Kahit na sa materyal na mga paraan, sila’y makatutulong sa mga kapatid ni Jesus na mangaral ng pabalita ng natatatag na Kaharian sa buong daigdig bago sumapit ang wakas. Kaya naman, ang mga tupa ay magpapakaingat sa kanilang pribilehiyo na manatiling organisado kaisa ng nalabi bilang ang kaisa-isang kawan ng kaisa-isang Pastol.

  • Pananatiling Organisado Para sa Kaligtasan sa Milenyo
    Ang Bantayan—1989 | Setyembre 1
    • 11. Papaano ipinakikita ng mga tupa na sila’y naninindigan sa Kaharian, at dahilan dito, anong pagpapala ang makakamit nila?

      11 Kabaligtaran ng simbolikong mga kambing, ang mga tulad-tupa ay nagpapakita at di-mapagkakamalian na sila’y naninindigan sa Kaharian. Papaano? Sa pamamagitan ng mga gawa, hindi ng mga salita lamang. Dahilan sa ang Hari ay di-nakikita sa kalangitan, sila’y hindi tuwirang makagagawa nang mabuti sa kaniya bilang pagsuporta sa kaniyang Kaharian. Kaya’t sila’y gumagawa nang mabuti sa kaniyang espirituwal na mga kapatid na naririto pa sa lupa. Bagaman ito’y humihila sa mga kambing upang mapoot, sumalansang, at mang-usig, dahil sa paggawa ng gayong kabutihan, ang mga tupa ay pinagsasabihan ng Hari na sila’y ‘pinagpapala ng kaniyang Ama.’

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share