Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Malaking Pulutong—Mabubuhay Ba sa Langit? O sa Lupa?
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
    • Isang napakahalagang hakbang sa pagkaunawa ng layunin ni Jehova ang may kinalaman sa talinghaga ni Jesus tungkol sa mga tupa at mga kambing, sa Mateo 25:31-46. Sa talinghagang iyon ay sinabi ni Jesus: “Pagparito ng Anak ng tao na nasa kaniyang kaluwalhatian, at kasama niya ang lahat ng mga anghel, kung magkagayo’y luluklok siya sa maluwalhati niyang trono. At titipunin sa harap niya ang lahat ng mga bansa, at sila’y pagbubukdin-bukdin niya na gaya ng pagbubukud-bukod ng pastol sa mga tupa at sa mga kambing. At ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanang kamay, datapuwat sa kaliwa ang mga kambing.” Gaya ng patuloy na ipinakikita ng talinghaga, ang “mga tupa” ay yaong mga tumutulong sa “mga kapatid” ni Kristo, na sinisikap na dulutan sila ng ginhawa kahit kung sila’y pinag-uusig at nasa bilangguan.

  • Ang Malaking Pulutong—Mabubuhay Ba sa Langit? O sa Lupa?
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
    • Sa pagtalakay kung kailan matutupad ang makahulang talinghagang ito, ipinakita ng artikulo na ito’y inilakip ni Jesus bilang bahagi ng kaniyang tugon sa mga humihingi ng ‘tanda ng kaniyang pagkanaririto at ng katapusan ng sistema ng mga bagay.’ (Mat. 24:3) Ipinaliwanag ng artikulo kung bakit ang “mga kapatid” na binabanggit sa talinghaga ay hindi maaaring maging ang mga Judio sa panahon ng Ebanghelyo ni mga taong sumasampalataya sa panahon ng pagsubok at paghatol sa milenyo kundi maliwanag na tumutukoy sa mga kasamang tagapagmana ni Kristo sa makalangit na Kaharian, kung kaya lumilitaw na ang katuparan ng talinghaga ay sa panahong nasa laman pa ang ilan sa mga kasamang tagapagmana ni Kristo.​—Ihambing ang Hebreo 2:10, 11.

      Ang mga karanasan ng mga pinahirang kapatid na iyon ni Kristo habang sinisikap nilang pangaralan ang mga klero at ang mga taong miyembro ng mga simbahan ng Sangkakristiyanuhan ay nagpapahiwatig din na ang hulang inilakip sa talinghaga ni Jesus ay natutupad na ngayon. Sa papaano? Ang reaksiyon ng marami sa mga klero at prominenteng mga miyembro ng kanilang mga simbahan ay lipos ng pagkapoot​—walang nakapagpapaginhawang baso ng tubig, maging literal o makasagisag; sa halip, ang ilan sa mga ito ay nagsulsol ng mga mang-uumog upang sirain ang kasuutan ng mga kapatid at bugbugin sila, o humiling sa mga opisyal na sila’y ibilanggo. (Mat. 25:41-43) Sa kabilang dako naman, maraming mapagpakumbabang mga miyembro ng simbahan ang buong-lugod na tumanggap sa pabalita ng Kaharian, na nagbigay-ginhawa sa mga nagdala nito, at gumawa ng kanilang makakaya upang tulungan ang mga ito kahit nang mabilanggo ang mga pinahiran dahil sa mabuting balita.​—Mat. 25:34-36.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share