Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ano ang Kinabukasan sa mga Tupa at mga Kambing?
    Ang Bantayan—1995 | Oktubre 15
    • Ano ang Kinabukasan sa Bawat Grupo?

      16, 17. Anong kinabukasan ang inaasahan ng mga tupa?

      16 Ibinigay ni Jesus ang kaniyang hatol sa mga tupa: “Halikayo, kayo na mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang inihanda para sa inyo mula sa pagkakatatag ng sanlibutan.” Anong init na paanyaya​—“Halikayo”! Sa ano? Sa walang-hanggang buhay, gaya ng ipinahayag niya sa kabuuan: “Ang matuwid [ay papasok] sa walang-hanggang buhay.”​—Mateo 25:34, 46.

      17 Sa talinghaga ng mga talento, ipinakita ni Jesus kung ano ang kahilingan para sa mga mamamahalang kasama niya sa langit, subalit ipinakikita niya sa talinghagang ito kung ano ang inaasahan sa mga sakop ng Kaharian. (Mateo 25:14-23) Hinggil dito, dahil sa kanilang di-nababahaging suporta sa mga kapatid ni Jesus, ang mga tupa ay nagmamana ng isang dako sa makalupang sakop ng kaniyang Kaharian. Tatamasahin nila ang buhay sa isang paraisong lupa​—ang pag-asa na inihanda ng Diyos para sa kanila “mula sa pagkakatatag ng sanlibutan” ng mga taong karapat-dapat tubusin.​—Lucas 11:50, 51.

  • Ano ang Kinabukasan sa mga Tupa at mga Kambing?
    Ang Bantayan—1995 | Oktubre 15
    • 19 Batid ng mga Estudyante ng Bibliya na hindi ito maaaring mangahulugan na ang imortal na kaluluwa ng mga taong tulad-kambing ay magdurusa sa walang-hanggang apoy. Hindi, sapagkat ang mga tao ay mga kaluluwa; hindi sila nagtataglay ng imortal na kaluluwa. (Genesis 2:7; Eclesiastes 9:5, 10; Ezekiel 18:4) Sa pamamagitan ng paghatol ng “walang-hanggang apoy” sa mga kambing, ang ibig sabihin ng Hukom ay pagkalipol na walang anumang pag-asa sa hinaharap, na siya ring ganap na katapusan para sa Diyablo at sa kaniyang mga demonyo. (Apocalipsis 20:10, 14) Kaya naman, ipinahahayag ng Hukom ni Jehova ang magkasalungat na hatol. Sinasabi niya sa mga tupa, “Halikayo”; sa mga kambing naman ay, “Lumayo kayo sa akin.” Mamanahin ng mga tupa ang “walang-hanggang buhay.” Tatanggap naman ang mga kambing ng “walang-hanggang pagkaputol.”​—Mateo 25:46.b

  • Ano ang Kinabukasan sa mga Tupa at mga Kambing?
    Ang Bantayan—1995 | Oktubre 15
    • 21 Subalit ano naman ang kahulugan sa atin ng karagdagang pagkaunawang ito sa talinghaga ng mga tupa at mga kambing? Buweno, ang mga tao ay pumipili na ng papanigan. Ang ilan ay nasa ‘malapad na daan na umaakay patungo sa pagkapuksa,’ samantalang ang iba ay nagsisikap na manatili sa ‘masikip na daan na umaakay patungo sa buhay.’ (Mateo 7:13, 14) Subalit ang panahon ng pagpapahayag ni Jesus ng pangwakas na hatol sa mga tupa at mga kambing na inilarawan sa talinghaga ay sa hinaharap pa. Kapag dumating ang Anak ng tao bilang isang Hukom, titiyakin niya na maraming tunay na Kristiyano​—sa aktuwal ay “isang malaking pulutong” ng nakaalay na mga tupa​—ang karapat-dapat na makaligtas sa huling bahagi ng “malaking kapighatian” patungo sa bagong sanlibutan. Ang pag-asang iyan ay nararapat na pagmulan ngayon ng kagalakan. (Apocalipsis 7:9, 14) Sa kabilang dako, patutunayan ng karamihan mula sa “lahat ng mga bansa” ang kanilang sarili na kagaya ng matitigas-ulong kambing. Sila’y “magtutungo sa walang-hanggang pagkaputol.” Anong laking kaginhawahan para sa lupa!

  • Ano ang Kinabukasan sa mga Tupa at mga Kambing?
    Ang Bantayan—1995 | Oktubre 15
    • b Ganito ang sabi ng El Evangelio de Mateo: “Ang walang-hanggang buhay ay ganap na buhay; ang kabaligtaran nito ay ganap na kaparusahan. Ang Griegong pang-uri na aionios ay hindi pangunahing nagpapahiwatig ng tagal ng panahon, kundi ng kalidad. Ang ganap na kaparusahan ay kamatayan magpakailanman.”​—Retiradong propesor na si Juan Mateos (Pontifical Biblical Institute, Roma) at Propesor Fernando Camacho (Theological Center, Seville), Madrid, Espanya, 1981.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share