Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang “New World Translation”—Pantas at Tapat
    Ang Bantayan—1991 | Marso 1
    • Ayon sa Mateo 26:26 sa New World Translation, nang itinatatag ni Jesus ang selebrasyon ng Hapunan ng Panginoon, ganito ang sinabi niya tungkol sa tinapay na kaniyang ipinapasa sa kaniyang mga alagad: “Ito’y nangangahulugan ng aking katawan.” Karamihan ng iba pang mga salin ay ganito ang pagkasalin sa talatang iyan: “Ito ay aking katawan,” at ito’y ginagamit upang umalalay sa doktrina na sa panahon ng selebrasyon ng Hapunan ng Panginoon, ang tinapay ay literal na nagiging laman ni Kristo. Sa New World Translation ang salitang isinalin na “nangangahulugan” (es·tinʹ, isang anyo ng ei·miʹ) ay galing sa salitang Griego na ang kahulugan ay “nagiging,” subalit maaari ring nagpapahiwatig na “nangangahulugan.” Sa gayon, ang Greek-English Lexicon of the New Testament ni Thayer ay nagsasabi na ang pandiwang ito “ay kalimitan i.q. [katumbas ng] nagpapakilala, nagpapakita, nagpapahiwatig.” Tunay, ang “nangangahulugan” ay isang makatuwirang pagkasalin dito. Nang itatag ni Jesus ang Huling Hapunan, ang kaniyang laman ay nakadikit pa sa kaniyang mga buto, kaya papaano ngang ang tinapay ay ang kaniyang literal na laman?a

  • Ang “New World Translation”—Pantas at Tapat
    Ang Bantayan—1991 | Marso 1
    • a Sa Apocalipsis 1:20, ganito ang pagkasalin sa pandiwa ring iyan ng Alemang tagapagsalin na si Curt Stage: “Ang pitong kandelero ay nangangahulugan [ei·sinʹ] ng pitong kongregasyon.” Sina Fritz Tillmann at Ludwig Thimme ay isinalin din ito na “nangangahulugan” [es·tinʹ] sa Mateo 12:7.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share