Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Paano Natin Dapat Pakitunguhan ang Iba?
    Ang Bantayan—2008 | Mayo 15
    • 12. (a) Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa espirituwal na liwanag? (b) Paano natin mapasisikat ang ating liwanag?

      12 Masasabing pinakikitunguhan natin ang mga tao sa pinakamabuting paraan kung tinutulungan natin silang makatanggap ng espirituwal na liwanag mula sa Diyos. (Awit 43:3) Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na sila ang “liwanag ng sanlibutan” at hinimok silang pasikatin ang kanilang liwanag upang makita ng mga tao ang kanilang “maiinam na gawa,” o mabubuting bagay na ginagawa nila sa iba. Magbubunga ito ng pagsisiwalat ng katotohanan “sa harap ng mga tao,” o sa kapakinabangan ng sangkatauhan. (Basahin ang Mateo 5:14-16.) Sa ngayon, pinasisikat natin ang ating liwanag sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti sa ating kapuwa at pakikibahagi sa pangangaral ng mabuting balita “sa buong sanlibutan,” samakatuwid nga, “sa lahat ng mga bansa.” (Mat. 26:13; Mar. 13:10) Isa nga itong napakalaking karangalan!

  • Paano Natin Dapat Pakitunguhan ang Iba?
    Ang Bantayan—2008 | Mayo 15
    • 14. (a) Paano mo ilalarawan ang mga lampara noong unang siglo? (b) Paano masasabing hindi natin itinatago ang espirituwal na liwanag sa ilalim ng isang “basket na panukat”?

      14 Binanggit ni Jesus ang tungkol sa pagsisindi ng lampara at paglalagay nito, hindi sa ilalim ng basket, kundi sa ibabaw ng patungan ng lampara para maliwanagan nito ang lahat ng mga nasa bahay. Ang isang karaniwang lampara noong unang siglo ay yari sa luwad na may mitsang sumisipsip ng likido (karaniwan nang langis ng olibo) na gaya ng gasera. Palibhasa’y karaniwan nang inilalagay sa ibabaw ng isang kahoy o metal na patungan, ang lampara ay “nagliliwanag sa lahat niyaong mga nasa bahay.” Hindi sisindihan ng mga tao ang lampara at pagkatapos ay ilalagay sa ilalim ng isang “basket na panukat”​—isang malaking sisidlan na nakapaglalaman ng siyam na litro. Hindi ninais ni Jesus na itago ng kaniyang mga alagad ang kanilang espirituwal na liwanag sa ilalim ng makasagisag na basket na panukat. Kaya pasikatin natin ang ating liwanag, at huwag na huwag nating itago ang maka-Kasulatang katotohanan o sarilinin na lamang ito dahil sa pagsalansang o pag-uusig.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share