-
Ipinapakita Mo Ba ang “Karunungan Mula sa Itaas”?Maging Malapít kay Jehova
-
-
11 Ano ang dapat mong gawin kapag napansin mong nakasakit ka ng damdamin ng isang kapuwa mananamba? Si Jesus ay nagsabi: “Kapag nagdadala ka ng iyong handog sa altar at naalaala mo roon na ang kapatid mo ay may reklamo sa iyo, iwan mo sa harap ng altar ang handog mo, at puntahan mo ang iyong kapatid. Makipagkasundo ka muna sa kaniya, at saka ka bumalik para ialay ang handog mo.” (Mateo 5:23, 24) Maikakapit mo ang payong iyan kung ikaw ang unang lalapit sa iyong kapatid. Sa anong layunin? Upang “makipagkasundo” sa kaniya.b Para mangyari iyan, baka kailangan mong tanggapin, sa halip na ikaila, na nasaktan mo siya. Kung ang paglapit mo sa kaniya ay upang mapanumbalik ang kapayapaan at mapanatili ang saloobing iyan, malamang na malutas ang anumang di-pagkakaunawaan, magpaumanhinan kayo, at magpatawaran sa isa’t isa. Kung ikaw ang unang kikilos upang makipagpayapaan, ipinapakita mong ikaw ay ginagabayan ng makadiyos na karunungan.
-
-
Ipinapakita Mo Ba ang “Karunungan Mula sa Itaas”?Maging Malapít kay Jehova
-
-
b Ang ekspresyong Griego na isinaling “makipagkasundo ka” ay nangangahulugang “magbago mula sa pagiging magkaaway tungo sa pagiging magkaibigan; maibalik ang dating magandang ugnayan.” Kaya ang tunguhin ng pakikipagkasundo ay para maalis ang sama ng loob ng nasaktan, kung posible.—Roma 12:18.
-