-
Mula sa Aming mga MambabasaGumising!—1986 | Oktubre 22
-
-
Ang Iglesya Katolika at si Maria
Malaking pinsala ang nagawa ninyo sa Iglesya Katolika sa pangkalahatan at lalo na sa pinagpalang Birheng Maria. (“Ang Iglesya Katolika—Ang Pangmalas Nito sa Sekso,” Marso 8, 1986 sa Tagalog) Isinulat ninyo na ang “doktrina ng walang hanggang pagkabirhen ni Maria ay nagpapanatili sa ideya na ang seksuwal na mga kaugnayan ay hindi malinis.” Ito ay maling pananampalataya. Ang doktrina ng walang hanggang pagkabirhen ay nagpapanatili na si Maria at si Jose ay indibiduwal na nanata ng kalinisan sa pag-aasawa, na kapuwa nila tinupad magpakailanman. Pagkatapos sinabi ninyo na si Jesus ay mayroong tunay na mga kapatid na lalaki at babae sa kaniyang pamilya. Ito man ay maling pananampalataya. Kung si Jesus ay may iba pang mga kapatid na lalaki at babae, bakit, nang siya ay malapit nang mamatay sa krus, ipinagkatiwala niya ang kaniyang ina sa isang kaibigan sa halip na sa isang kamag-anak?
-
-
Mula sa Aming mga MambabasaGumising!—1986 | Oktubre 22
-
-
Ang pagtatalik sa pagitan ng mag-asawa ay malinis. (Hebreo 13:4) Hindi nito sinisiraan o pinabababa si Maria sa pagsasabi na pagkasilang kay Jesus, siya ay nakipagtalik sa kaniyang asawang si Jose at nagkaroon ng mga anak sa pamamagitan niya. Hindi binabanggit ng Bibliya na pinanatili ni Jose at ni Maria ang panata ng kalinisan magpakailanman. Ang “The New American Bible” (isang saling Katoliko) ay nagsasabi sa Mateo 1:25 tungkol kina Jose at Maria: “At hindi niya sinipingan siya hanggang sa maipanganak ang isang lalaki, na pinanganlan niyang Jesus.” Ang talababa sa saling ito ay nagsasabi: “Idiniriin ng ebanghelista ang pagkabirhen ng ina ni Jesus mula sa sandali ng paglilihi sa kaniya hanggang sa kaniyang kapanganakan. Hindi niya tinutukoy rito ang panahon pagkatapos na ipanganak si Jesus.”
-