Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Katuwiran Hindi sa Pamamagitan ng mga Sali’t Saling Sabi
    Ang Bantayan—1990 | Oktubre 1
    • 17. Anong lalong mainam na paraan kaysa “mata sa mata at ngipin sa ngipin” ang itinuro ni Jesus?

      17 Pagkatapos ay sinabi ni Jesus: “Narinig ninyong sinabi, ‘Mata sa mata at ngipin sa ngipin.’ Datapuwat, sinasabi ko sa inyo: Huwag kayong makilaban sa masamang tao; kundi sa sinumang sa iyo’y sumampal sa kanan mong pisngi, iharap mo naman sa kaniya ang kabila.” (Mateo 5:38-42) Dito ang tinutukoy ni Jesus ay hindi isang suntok na may layuning makapinsala kundi isang nakaiinsultong sampal ng likod ng kamay. Huwag pababain ang iyong kalagayan sa pamamagitan ng ganting pang-iinsulto. Huwag gantihin ng masama ang masama. Bagkus, mabuti ang iganti at sa ganoo’y “patuloy na ang masama’y daigin ng mabuti.”​—Roma 12:17-21.

  • Katuwiran Hindi sa Pamamagitan ng mga Sali’t Saling Sabi
    Ang Bantayan—1990 | Oktubre 1
    • 20. Sa halip na pawalang-kabuluhan ang Kautusang Mosaiko, papaano pinalawak at idiniin ni Jesus ang epekto nito at lalo pang itinaas nang lalong mataas?

      20 Kaya nang may tukuyin si Jesus na mga bahagi ng Kautusan at isusog niya, “Datapuwat, sinasabi ko sa inyo,” hindi niya iwinawaksi ang Kautusang Mosaiko at hinahalinhan ito ng iba. Hindi, kundi kaniyang idiniriin at pinalalawak ang puwersa nito sa pamamagitan ng pagpapakita ng espiritung nasa likod nito. Ang isang lalong mataas na batas ng pagkakapatiran ay humahatol ng salang pagpatay kung patuloy ang pagkapoot ninuman sa isa. Ang isang mataas na batas ng kalinisan ay kumukondena sa patuloy na mahalay na kaisipan tungkol sa isa bilang pangangalunya. Ang isang lalong mataas na batas ng pag-aasawa ay tumatanggi sa walang-saysay na diborsiyo bilang isang paraan na humahantong sa mapangalunyang muling-pag-aasawa. Ang isang lalong mataas na batas ng katotohanan ay nagpapakita na ang paulit-ulit na panunumpa ay hindi naman kinakailangan. Ang isang lalong mataas na batas ng kahinahunan ay humahadlang sa paghihiganti. Ang isang lalong mataas na batas ng pag-ibig ay nag-uutos ng isang maka-Diyos na pag-ibig na walang hangganan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share