Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Patuloy na Hanapin ang Kaharian at ang Katuwiran ng Diyos
    Ang Bantayan—1990 | Oktubre 1
    • 1, 2. Ano ang ginagawa ng mga eskriba at mga Fariseo sa mga bagay na mabuti sa ganang sarili, at anong babala ang ibinigay ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod?

      ANG mga eskriba at mga Fariseo ay humanap ng katuwiran ayon sa kanilang paraan, na hindi yaong paraan ng Diyos. Hindi lamang iyan, kundi pagka sila’y gumagawa ng mga bagay na mabuti sa ganang sarili, ang mga ito ay ginagawa nila nang paimbabaw upang makita ng mga tao. Sila’y naglilingkod, hindi sa Diyos, kundi sa kanilang sariling kapritso. Ang kaniyang mga alagad ay binabalaan ni Jesus laban sa gayong pagkukunwari: “Mag-ingat kayo na huwag sa harap ng mga tao magsigawa ng katuwiran upang makita nila iyon; sapagkat kung hindi ay wala kayong ganti buhat sa inyong Ama na nasa langit.”​—Mateo 6:1.

  • Patuloy na Hanapin ang Kaharian at ang Katuwiran ng Diyos
    Ang Bantayan—1990 | Oktubre 1
    • 3. (a) Sa papaano binayaran nang buo sa kanilang pagbibigay ang mga eskriba at mga Fariseo? (b) Papaanong ang paninindigan ni Jesus sa pagbibigay ay ibang-iba?

      3 Ang salitang Griego para sa ‘kanilang tinatanggap nang buo’ (a·peʹkho) ay isang termino na malimit makikita sa mga resibong pangkalakalan. Ang paggamit nito sa Sermon sa Bundok ay nagpapakita na “kanilang tinanggap na ang kanilang gantimpala,” samakatuwid nga, “kanilang pinirmahan na ang resibo ng kanilang gantimpala: ang kanilang karapatan na tanggapin ang kanilang gantimpala ay nakamit na, sa tiyakan ay para bagang sila’y nagbigay na ng resibo para roon.” (An Expository Dictionary of New Testament Words, ni W. E. Vine) Ang mga kaloob para sa mga dukha ay ipinangangalandakan sa mga lansangan. Sa mga sinagoga ang pangalan ng mga nagkakawanggawa ay iniaanunsiyo. Yaong mga nagbibigay ng malalaking halaga ang lalong higit na pinararangalan sa pagbibigay sa kanila ng mga upuan na kasunod ng sa mga rabbi sa oras ng pagsamba. Sila’y nag-aabuloy upang makita ng mga tao; sila’y nakikita nga at pinupuri ng mga tao; kaya, sa kanilang ibibigay na resibo para sa gantimpala na dulot ng kanilang pagbibigay ay maititimbre nila ang “Binayaran Nang Buo.” Ibang-iba ang paninindigan ni Jesus! Magbigay “nang lihim; kaya naman ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ang gaganti sa iyo.”​—Mateo 6:3, 4; Kawikaan 19:17.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share