Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Panalangin—Paulit-ulit o Bukal sa Loob?
    Gumising!—1992 | Hunyo 8
    • Ano ba ang Sinabi ni Jesus?

      “Ngunit sa panalangin, huwag kayong gagamit ng paulit-ulit na salita, gaya ng ginagawa ng mga tao ng mga bansa, sapagkat inaakala nila na diringgin sila sa marami nilang kasasalita.”a (Mateo 6:7) Ang ibang salin ay nagpapahayag ng ganito: “Sa inyong mga panalangin, huwag napakaraming sinasabi gaya ng mga pagano.” (The New English Bible) “Sa pananalangin huwag magpaulo nang walang saysay na mga salita gaya ng mga Gentil.”​—Revised Standard Version.

      Ang ilang tao ay napagkakamalian ang maraming kasasalita na kabanalan, ang pagkamatatas na debosyon, ang pag-uulit at haba na may katiyakan sa kasagutan. Gayunman, hindi sinusukat ng Diyos ang kahalagahan ng panalangin sa haba. Maliwanag, hindi nais ni Jesus na ang kaniyang mga alagad ay gumamit ng mga pormula o umusal ng mga panalangin. Kung gayon, ano ang kabuluhan ng mga rosaryo, aklat-dasalan, o mga paikot na panalangin?

      Pagkatapos masabi ang nasa itaas, ibinigay ni Jesus sa kaniyang mga alagad ang isang modelong panalangin​—ang kilalang Panalangin ng Panginoon. (Mateo 6:9-13) Subalit nilayon ba niya na ulit-ulitin nila ang mga salitang iyon? Hindi. Sa katunayan, nang sabihin niya muli iyon pagkalipas ng mahigit na isang taon, ni hindi man lamang ginamit ni Jesus ang eksaktong mga salita. (Lucas 11:2-4) Mayroon bang anumang ulat ng sinaunang mga Kristiyano na gumagawa ng gayon o ng kanilang pag-uulit ng ibang pormal na mga panalangin? Minsan pa, wala.

  • Mga Panalangin—Paulit-ulit o Bukal sa Loob?
    Gumising!—1992 | Hunyo 8
    • a Ang salitang isinalin na “gagamit ng paulit-ulit na salita” (bat·ta·lo·geʹo) ay minsan lamang ginamit sa Bibliya at nangangahulugang “ ‘magsasalita’ sa diwa na sinisikap mong maabot ang tagumpay sa panalangin sa pamamagitan ng pag-uulit-ulit ng mga salita.”​—Theological Dictionary of the New Testament.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share