-
Paano Tayo Dapat Manalangin sa Diyos?Gumising!—2012 | Pebrero
-
-
Sinabi ni Jesus: “Manalangin kayo, kung gayon, sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa ang iyong pangalan. Dumating nawa ang iyong kaharian. Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayundin sa lupa. Ibigay mo sa amin ngayon ang aming tinapay para sa araw na ito; at patawarin mo kami sa aming mga pagkakautang, kung paanong pinatawad din namin ang mga may utang sa amin. At huwag mo kaming dalhin sa tukso, kundi iligtas mo kami mula sa isa na balakyot.’”—Mateo 6:9-13.
-
-
Paano Tayo Dapat Manalangin sa Diyos?Gumising!—2012 | Pebrero
-
-
“Dumating nawa ang iyong kaharian.” Ang Kaharian ng Diyos ay isang gobyerno na ang hari ay si Jesu-Kristo. Malapit na niyang pamahalaan ang buong lupa. “Sa kaniya ay may ibinigay na pamamahala at dangal at kaharian,” ang sabi sa Daniel 7:14. ‘Darating’ ang Kaharian ng Diyos kapag nakialam na ito sa mga nangyayari sa lupa, anupat dudurugin ang lahat ng gobyerno ng tao at pamamahalaan ang buong lupa.—Daniel 2:44.
“Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayundin sa lupa.” Sa ilalim ng pamamahala ng Kaharian, ang mga tao ay magpapasakop sa kalooban ng Diyos. Kaya naman iiral ang tunay na kapayapaan at lahat ng tao ay sasamba sa Diyos kaayon ng kaniyang kalooban. Mawawala na ang huwad na relihiyon at ang pulitikang sanhi ng pagkakabaha-bahagi. Sa makasagisag na paraan, “ang tolda ng Diyos” ay mananahan sa “sangkatauhan,” ang sabi sa Apocalipsis 21:3, 4, “at papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man. Ang mga dating bagay ay lumipas na.”
-