Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Lalakad Ka Bang Kasama ng Diyos?
    Ang Bantayan—2005 | Nobyembre 1
    • 5. Bakit sinabi ni Jesus ang pagdaragdag ng isang siko sa haba ng buhay ng isang tao?

      5 Madalas na inihahalintulad ng Bibliya ang buhay sa isang paglalakbay o paglakad. Sa ilang pagkakataon, tuwiran ang paghahalintulad na iyan, ngunit sa ibang pagkakataon naman, pahiwatig lamang ito. Halimbawa, sinabi ni Jesus: “Sino sa inyo ang sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa haba ng kaniyang buhay?” (Mateo 6:27) Baka makalito sa iyo ang ilan sa mga salitang iyan. Bakit sasabihin ni Jesus ang pagdaragdag ng “isang siko,” isang sukat ng distansiya, sa ‘haba ng buhay’ ng isang tao, na sinusukat naman batay sa panahon?a Maliwanag na inilalarawan ni Jesus ang buhay bilang isang paglalakbay. Sa diwa, itinuro niya na mabalisa ka man, hindi nito madaragdagan ng kahit maliit na hakbang ang paglakad mo sa buhay. Subalit dapat ba nating ipagpalagay na wala na tayong magagawa sa haba ng paglakad na iyan? Hinding-hindi! Inaakay tayo nito sa ating pangalawang katanungan, Bakit tayo kailangang lumakad na kasama ng Diyos?

  • Lalakad Ka Bang Kasama ng Diyos?
    Ang Bantayan—2005 | Nobyembre 1
    • a Binago ng ilang salin ng Bibliya ang “siko” sa talatang ito at ginawang sukat ng panahon, gaya ng “isang sandali” (The Emphatic Diaglott) o “isang minuto” (A Translation in the Language of the People, ni Charles B. Williams). Gayunman, ang salitang ginamit sa orihinal na teksto ay tiyak na nangangahulugang siko, na mga 45 sentimetro ang haba.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share